Chad Kinis, napaniwala si Ogie Diaz sa kanyang "Nakabuntis Ako" prank

Chad Kinis, napaniwala si Ogie Diaz sa kanyang "Nakabuntis Ako" prank

- Napaniwala ng komeyanteng si Chad Kinis si Ogie Diaz sa kanyang prank video

- Sinabi niya kay Ogie na mayroong siyang girlfriend at nabuntis niya ito ngunit hindi pa siya handa sa gusto ng babae na magpakasal sila

- Bilang isang miyembro ng LGBTQ na pamilyado, pinayuhan ni Ogie si Chad na bigyan ng pagkakataon na makilala siya ng kanyang magiging anak

- Napamura naman si Ogie nang ibuking ni Chad na napaniwala siya sa kanyang prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakaligtas sa pangpa-prank ni Chad Kinis si Ogie Diaz. Nagpanggap siyang mayroon siyang girlfriend at nabuntis niya ito.

Bago tawagan ni Chad si Ogie ay nag text na umano ito upang ipaalam na gusto niya itong makausap.

Chad Kinis, napaniwala si Ogie Diaz sa kanyang "Nakabuntis Ako" prank

Ogie Diaz (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Kunwari pang sinabi ni Chad na hindi pa siya handa sa responsibilidad lalo at gusto ng babae na magpakasal na sila upang mapanindigan niya ang pinagbubuntis nito.

Ryan Bang, binigyan ng pambili ng ticket ang viral Korean street vendor para makauwi sa Korea

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang isang pamilyadong miyembro ng LGBT, pinayuhan ni Ogie si Chad kung paano ang gagawin dahil sinabi ni Chad na nagdududa siya kung siya ba talaga ang ama ng bata.

Payo ni Ogie, dapat samahan niya ang kanyang girlfriend para malaman niya ang conception period at malaman niya kung tugma sa mga nangyari.

Sa comment section ng YouTube video na ito ni Chad, marami ang bumilib sa husay ng pagpapayo ni Ogie kaya nagpasalamat si Ogie sa magagandang salita.

Aniya, "Salamat po sa mga nice words nyo! Masarap may anak lalo na kung kaya mong panindigan at palakihin nang maayos ang mga bata. Ke mag-adopt kayo o biological ninyo, basta blessing yan at source of happiness nyo. Importante, handa ang kalooban mo sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay."

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap ng pambabatikos si Ogie. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Naglabas din siya ng kanyang saloobin hinggil sa pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga taong nasalanta ng bagyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel