Yasmien Kurdi at dating kaparehang si Rainier Castillo, muling nagkausap

Yasmien Kurdi at dating kaparehang si Rainier Castillo, muling nagkausap

- Muling nagkausap ang dating magkaparehang sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo

- Ito ay dahil sa kanilang guesting sa isang talk show ng GMA-7 kung saan nag-usap sila online

- Hindi naman napigilang matawa ni Yasmien habang pinapanood ang dating kapareha na nagpractice ng kanyang sayaw

- Marami sa mga netizens ang naaliw sa reaction ng asawa nito habang pinapanood ang kanilang pag-uusap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang matawa ni Yasmien Kurdi nang makita ang pag-eensayo ng dating kapareha niyang si Rainier Castillo ng kaniyang dance moves para sa guesting nila sa isang talk show sa GMA-7.

Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Yasmien ang behind-the-scenes ng nasabing guesting kung saan nagbahagi din siya ng kanyang recipe.

Yasmien Kurdi at dating kaparehang si Rainier Castillo, muling nagkausap

Photo from yasmien_kurdi/Instagram
Source: Instagram

Tawang-tawa si Yasmien kay Rainier na seryosong inaaral ang kaniyang sayaw. Hindi naman napigilan ng kanyang asawa ang magkomento habang pinapanood niya ang asawa na kausap si Rainier.

Chad Kinis, napaniwala si Ogie Diaz sa kanyang "Nakabuntis Ako" prank

Aniya, namiss umano ni Yasmien ang first love niya. Sagot naman ni Yasmien, hindi si Rainier ang first love niya kundi ang kanyang Pangga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang naaliw sa reaksiyon na ito ng asawa ni Yasmien.

Paka pa girl ka ngayon idol dyan sa peg mo..Natatawa ako sa reaction ni pangga!
Yung reaction ni Sir Rey, sobrang cute. Siyempre cute din si Ms Yasmien. I love you Ms Yasmien.
Hahahaha! Natawa ako sa namiss niya first love niya!

Si Yasmien Kurdi ay unang nakilala matapos niyang sumali sa Star Struck sa GMA-7 kung saan nakasabay niya sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Rainier Castillo.

Sila ni Rainier ang pinagtambal at nagkasama sila sa maraming palabas at pelikula.

Nakatuluyan ng aktres si Rey Soldevilla na isang Piloto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli

Kagaya ng karamihan sa mga artista, pinasok na rin ni Yasmien ang mundo ng paggawa ng content sa YouTube. Kinagiliwan kamakailan ang pagsurpresa ni Yasmien at anak nito kay Rey sa Cebu.

Kahit pamilyado na ay pinagpatuloy ni Yasmien ang kanyang pag-aaral at nagtapos siya bilang Magna Cumlaude sa Arellano University.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel