Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

- Nagkaharap na sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Angel Locsin kasama ang boyfriend nitong si Neil Arce

- Sa kanilang pag-uusap ay nilinaw ni Angel ang tungkol sa mga alegasyon laban sa kanya at sa kapatid nitong si Ella Colmenares

- Pinuri naman umano ni Parlade si Angel para sa ginagawa nitong pagtulong sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo

- Matatandaang inalmahan ni Angel ang red-tagging umano sa kaniya pati na rin sa kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapag-usap na sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Angel Locsin noong Lunes at nakapagpaliwanagan na hinggil sa red-tagging issue sa aktres.

Ayon sa abogadong si Joji Alonso, nalinis na ng aktres ang pangalan niya pati ng kapatid niya hinggil sa mga alegasyong ipinupukol sa kanila.

In a meeting held today between AFP Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade, Jr. and actress Angel Locsin, the issues that cropped up these past weeks including the allegations against her and her sister Angela “Ella” Colmenares, were discussed, threshed out and cleared,” ani Alonso sa isang Instagram post.

Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli
Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Dagdag pa niya, kinokondena ng aktres ang anumang uri ng karahasan at kaisa siya ng pamahalaan sa layuning mapangalagaan ang mga mamamayan.

Pinuri naman umano ni Parlade si Angel para sa ginagawa nitong pagtulong sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inakusahang miyembro ng NPA ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares at sinusuportahan umano ito ng aktres. Gayunpaman, mariing pinabulaan ito ni Angel at naglabas ng ebidensiya na magpapatunay na walang katotohanan ang mga alegasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Matatandaang nag-viral ang mga litrato ni Angel na pinuri ng mga netizens. Kasunod nito ay muling pinag-usapan ang kanyang naging pahayag tungkol sa body-shaming.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel