Ryan Bang, binigyan ng pambili ng ticket ang viral Korean street vendor para makauwi sa Korea

Ryan Bang, binigyan ng pambili ng ticket ang viral Korean street vendor para makauwi sa Korea

- Hindi nag-atubili si Ryan Bang na puntahan ang isang Koreano na nag-viral kamakailan sa social media

- Hindi umano makakauwi si Ryan sa Korea ngayong Pasko dahil sa kanyang trabaho kaya ibinigay niya ang perang pambili niya ng ticket sa vendor

- Naluha naman ang vendor nang makita si Ryan dahil siya umano ang kauna-unahang Koreanong pumunta upang tumulong sa kanya

- Ayon kay Ryan, nagpunta siya kay Mr. Jang nang malaman niya ang kuwento nito na unang tinulungan ni Basel Manadil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ng Korean street vendor na si Jang Sam-hyun sa pagkikita nila ni Ryan Bang. Siya umano ang kauna-unahang Koreano na pumunta sa kanya simula nang mamalagi siya dito sa bansa dahil inabutan siya ng lockdown.

Ayon kay Ryan, nagpunta siya kay Mr. Jang nang malaman niya ang kuwento nito na unang tinulungan ni Basel Manadil o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer.

Chad Kinis, napaniwala si Ogie Diaz sa kanyang "Nakabuntis Ako" prank

Minabuti ni Ryan na ibigay na lamang kay Mr. Jang ang kanyang perang pambili sana ng ticket pauwi sa Korea dahil hindi umano siya makakauwi dahil sa trabaho.

Ryan Bang, binigyan ng pambili ng ticket ang viral Korean street vendor para makauwi sa Korea

Screenshot from Ryan Bang's YouTube video
Source: Facebook

Kwento niya kay Ryan, nagtitinda siya ng ramen upang makaipon ng pera para pambili ng ticket pauwi sa kanilang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento nito kay Ryan na may-ari ito ng isang construction company ngunit sa kasamaang palad ay naloko umano ito.

Pabalik-balik ito sa bansa sa loob ng dalawampung taon dahil sa kanyang negosyo. Nauna umanong umuwi ang asawa niya sa Korea, tatlong araw bago ang lockdown. Sa pag-aakalang isang buwan lang ang itatagal, binalak niyang bumalik na lamang sa Korea pagkatapos ng lockdown.

Pinasalamatan ni Mr. Jang ang lahat ng mga tumulong sa kanya, kabilang na ang Syrian vlogger na si Basel Manadil.

Ara Mina, ibinahagi ang mga katangiang nagustuhan kay Dave Almarinez

Isang Pilipino naman na nagngangalang Bobby ang nagmagandaang-loob at hinayaan siyang magbenta sa harap ng kanyang tindahan upang mas marami pa umano itong maibenta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang house raid na ginawa ni Vice Ganda sa apartment ni Ryan Bang dahil sa mga nakita nitong mga gamit na pambabae sa condo ng TV host.

Gayunpaman, nauna nang pinaalam ni yan na mayroon na siyang kasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel