Misis, pilit hinukay ang pantalon ng asawang nawala noong kasagsagan ng bagyo

Misis, pilit hinukay ang pantalon ng asawang nawala noong kasagsagan ng bagyo

- Unti-unting nagiging maayos na ang panahon matapos manalasa ng sunod-sunod na bagyo sa iba't-ibang bahagi ng bansa

- Kabilang ang Catanduanes sa naapektuhan ng Bagyong Rolly na nanalasa sa Catanduanes noong November 1

- Isang ginang ang pilit na hinukay ang pantalon ng kanyang asawa na nawala noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo

- Ang kanyang asawang si Sandy ang nag-iisang naiulat na nawawala sa Catanduanes dahil sa paghagupit ng pinakamalakas na bagyo ngayong 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinukay ng isang ginang na nagngangalang Salve ang isang pantalon na natabuna ng lupa sa San Miguel, Catanduanes. Ang pantalon ay pagmamay-ari ng kanyang asawang si Sandy. Ito na lamang ang naiwan sa kanya na pagmamay-ari ng asawang naiulat na nawala noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon sa ulat ni Jacque Manabat ng ABS-CBN News, Si Sandy ang nag-iisang naiulat na nawawala sa Catanduanes sa pagtama ng bagyong Rolly na may International name na Goni na binansagang pinakamalakas na bagyo nitong 2020.

Bagyong Ulysses, nagdulot din ng matinding landslide sa Cagayan, Ifugao at Nueva Vizcaya

Umaasa si Salve na buhay at makikita pa ang kaniyang asawa. “Napanaginipan ko siya kagabi. Nandyan lang siya. Baka gutom na siya,” ani Salve.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inanunsiyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lumakas ang bagyong Rolly at tuluyan nang naging isang super typhoon noong

Itinaas ng PAGASA sa Signal No. 5 ang tropical cyclone wind signal sa Catanduanes, Silangang bahagi ng Camarines Sur, at Albay.

Misis, pilit hinukay ang pantalon ng asawang nawala noong kasagsagan ng bagyo

Filipino weatherman (Photo by Edwin Tuyay/Bloomberg via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala, kitang-kita sa mga video na ibinahagi online ang tindi ng hagupit ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Sa tindi ng lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyo, marami sa mga residente ang umakyat na sa bubong ng kanilang mga bahay upang mapanatiling ligtas mula sa baha.

Ginang, nanganak sa kasagsagan ng rescue operations sa Tuguegarao

Maging ang malalaking establiyemento kagaya ng mga mall ay h indi nakaligtas at nagtamo din ng pinsala dahil sa lakas ng bagyong Rolly na nanalasa noong November 1, 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel