Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli

- Nakatakdang mapanood sa TV5 ang popstar na si Sarah Geronimo ngayong Linggo ng gabi

- Gayunpaman, ang concert nito noong 2008 na The Next One ang ipapalabas sa programang 'Onstage'

- Kabilang pa rin si Sarah sa regular na napapanood sa 'ASAP Natin 'to' tuwing Linggo sa A2Z channel

- Ang asawa nitong si Matteo Guidicelli ay nauna nang napanood sa TV5 bilang isa ito sa apat na judge detectives ng 'Masked Singer Pilipinas'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isa na sa pinakamatagal na Kapamilya artists, marami ang nasanay na sa ABS-CBN lamang napapanood si Sarah Geronimo.

Gayunpaman, ngayong Linggo ng gabi ay nakatakda siyang mapanood sa TV5 o Kapatid Network. Ito ay sa pamamagitan ng programang Onstage na magpapalabas ng concert ni Sarah noong 2008 na pinamagatang The Next One.

Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo (Photo by Jun Sato/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Ang asawa nitong si Matteo Guidicelli ay isa lamang sa maraming Kapamilya artists na tuluyan nang lumipat sa TV5 matapos ang tuluyang pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa kanyang mga tagahanga ang nag-aabang sa kanyang concert. Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanyang mga tagahanga:

Yas! Sarah G concert again. I haven't watched this one yet, can't wait
The Next One Sarah Geronimo Concert mamaya na sa ONSTAGE ng TV5! Excited na ko mga baklita!
Excited na po kaming mga Popsters, kahit saan susuportahan namin si Sarah!

Si Sarah ay isa sa mga regular artists na mapapanuod sa ASAP Natin' To ng Kapamilya Network na napapanood sa A2Z 11.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel