Ama ni Ice Seguerra, sumakabilang buhay na

Ama ni Ice Seguerra, sumakabilang buhay na

- Namayapa na ang ama ni Ice Seguerra ngayong Nobyembre 15

- Kinumpirma niya ito sa kanyang Instagram post, gayundin ng kanyang asawa na si Liza Diño Seguerra

- Cancer ang ikinamatay ng ama ni Ice na masaya niyang tinatawag ng "Pogi"

- Sa ngayon, wala pa umanong nilalabas na pahayag ang pamilya Seguerra patungkol sa iba pang detalye tulad ng burol ng kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama ni Ice Saguerra, sumakabilang buhay na

Ice Saguerra (Photo from Liza Diño's Instagram)
Source: Instagram

Kinumpirma ni Ice Seguerra na ngayong Nobyembre 15, sumakabilang buhay na ang kanyang pinakamamahal na ama.

Nalaman ng KAMI na tanghali ngayong araw nang tuluyan nang mamayapa si Decoroso Seguerra.

Sa Instagram post ni Ice, sinabi niyang makikipag-videoke na raw sa langit ang ama kasama sina Matt Monroe at Frank Sinatra.

"Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipagvideoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra."

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Sa post naman ng asawa ni Ice na si Liza Diño Seguerra, nakunan pa umano nito ang mga huling sandali ng mag-ama, umaga bago ito tuluyang mamaalam.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napakahalaga umano ng sandaling ito dahil nagawa pang magsabi ni Ice ng mga bagay na hindi pa niya nasasabi sa ama.

Nagawa ring magpasalamat ni Ice sa ama sa pagiging "Best Dad" niya.

"Thank you daddy...for being the BEST dad," ang nasambit ni Ice habang hawak ang kamay ng ama sa huling pagkakataon.

Maging si Liza ay nagawang mamaalam sa ama ng kanyang asawa at ipinangako nitong aalagaan niya ito.

Kasama nina Ice ang iba pa nilang mga mahal sa buhay, at mapayapang namaalam ang kanyang ama.

Matatandaang ngayong taon, na-diagnose ang kanyang ama ng cancer sa prostate at naapektuhan na rin ang kanyang mga buto.

Rescuer sa Cagayan, nasawi habang sumasagip sa mga binahang residente

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ice Seguerra ay isa sa mga child star noong 80's. Produkto siya ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

Isa rin siya sa kilalang singer at musician ng bansa. Ikinasal siya sa kanyang partner na si Liza Diño.

Sa kanyang mga Instagram post, makikita ang pagpapahalaga niya sa kayang pamilya lalo na sa ama at sa mga huling sandali nito na kapiling nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel