Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

- Pinagtanggol ni Angelica Panganiban ang kapwa aktres na si Angel Locsin

- Ito ay kaugnay sa isang module sa Occidental Mindoro na gumamit sa pangalang Angel Locsin na inilalarawan bilang obese

- Ayon kay Angelica, taliwas sa nakalagay sa module naniniwala siyang hindi lang nakaupo si Angel Locsin sa bahay niya

- Ipinunto niyang abala ito sa pagtulong sa mga residenteng nasalanta at apektado ng pagbaha at bagyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang kontrobersiyal na module mula sa Occidental Mindoro kung saan nabanggit ang pangalan ni Angel Locsin, pinagtanggol ni Angelica Panganiban ang kaibigan.

Aniya, hindi siya naniniwalang kagaya sa nakasaad sa nasabing module, sa bahay lang niya at nanonood ng TV si Angel.

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Muli niyang pinaalala na si Angel ang isa sa pinakaabala sa pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Angel Locsin, umalma matapos lumabas ang statement mula sa DepEd
Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

Images courtesy of Instagram: rappler
Source: Instagram

I don’t think nakaupo lang si angel sa bahay niya at nanonood ng tv. Busyng busy po siya tumulong sa mga nasalanta.

Inudyukan niya rin ang mga kritiko ng aktres na mag-focus na lamang sa kabutihan ng loob ni Angel.

Bakit hindi kayo dun mag focus? Sa kabutihan ng isang tao, lalo na ng kalooban niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naglabas ng official statement ang Department of Education hinggil sa isyu. Gayunpaman, inalmahan ni Angel ang statement ng DepEd matapos niya itong mabasa at tila hindi umano apektado ang ahensiya sa maling itinuro ng guro bukod pa sa maling grammar nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Ara Mina, ibinahagi ang mga katangiang nagustuhan kay Dave Almarinez

Kamakailan ay naging usap-usapan ang tungkol sa umano'y namumuong pagtitinginan nina Angelica at Zanjoe Marudo matapos sabihin ng Entertainment news writer na si Lolit Solis ang tungkol sa kanila.

Tila ginawang biro naman nina Angelica at Zanjoe ang lumabas na usap-usapan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel