Angel Locsin, umalma matapos lumabas ang statement mula sa DepEd

Angel Locsin, umalma matapos lumabas ang statement mula sa DepEd

- Matapos ang pananahimik sa isyu, binasag ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik hinggil sa body-shaming sa kanya

- Ayon sa aktres, balak sana niyang dedmahin na lamang ang isyu at hindi naman umano siya apektado

- Gayunpaman, matapos lumabas ang official statement ng DepEd, umalma si Angel dahil tila hindi apektado ang ahensiya

- Aniya, dapat manghingi ng dispensa ang guro sa kanyang mga mag-aaral na nakabasa ng nasabing module

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Angel Locsin ang lumabas na official statement mula sa Department of Education kaugnay sa body-shaming content sa isang learning module sa Occidental Mindoro.

Ayon sa aktres, balak niyang dedmahin lamang ang isyu dahil hindi naman umano siya apektado sa mga pang-iinsulto.

Angel Locsin, umalma matapos lumabas ang statement mula sa DepEd

Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Gayunpaman, nang mabasa umano niya ang statement ng DepEd, ikinabahala niyang bukod sa maling grammar, tila hindi apektado ang DepEd sa hindi magandang tinuturo ng teacher.

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children. Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?

Nilinaw niyang higit sa ano paman, ito ang dapat ayusin ng DepEd. Dapat daw humingi ng dispensa ang guro sa mga mag-aaral na nakabasa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Angel na maswerte siya dahil nagkaroon siya ng mga guro na nagturo sa kanya ng magandang asal at nararapat lamang umano na ganoon ang ituro ng bawat guro.

I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them.
Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang nag-viral ang mga litrato ni Angel na pinuri ng mga netizens. Kasunod nito ay muling pinag-usapan ang kanyang naging pahayag tungkol sa body-shaming.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel