Ara Mina, ibinahagi ang mga katangiang nagustuhan kay Dave Almarinez

Ara Mina, ibinahagi ang mga katangiang nagustuhan kay Dave Almarinez

- Inamin ng aktres na si Ara Mina ang tunay na estado ng namumuong pagtitinginan nila ni Dave Almarinez

- Ayon sa kanya ramdam niyang malinis ang hangarin nito sa kanya at seryoso din umano ito

- Ibinahagi din ng FPJ’s Ang Probinsyano star na nakilala na ng boyfriend ang kanyang mga magulang at kapatid

- Ilan sa mga katangiang nagustuhan niya dito ay ang pagiging mabait, matulungin, masipag, simple, at matiyaga nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi umano malungkot si Ara Mina kahit wala pa siyang karelasyon dahil nariyan ang anak na si Mandy. Sa isang panayam ng PUSH, ibinahagi ni Ara na maingat siya sa pagpili ng lalaking makakasama sa buhay dahil sa pagkakaroon niya ng anak.

Aniya, kailangan niyang piliin ang lalaking tanggap siya pati ang anak niya.

Sa pagnanais na yung sunod na makarelasyon niya ay siya ring makatuluyan niya, ipinagdasal umano niya na makakilala siya ng responsableng lalake na handang magpakaama sa anak.

Ryan Bang, binigyan ng pambili ng ticket ang viral Korean street vendor para makauwi sa Korea

Pagdating naman sa kasalukuyang na li-link sa kanya na si Dave Almarinez, nagustuhan niya umano ang pagiging mabait, matulungin, masipag, simple at matiyaga nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ara Mina, aminadong kasal na lang ang kulang sa kanila ng boyfriend

Ara Mina and Christine Reyes (Photo from flickr.com/photos/michaelhoward836/14194127771)
Source: UGC

“Nakita ko na malinis ang intensyon niya sa akin and you’ll know naman that he’s really very serious. Sa dami naman siguro ng pinagdaanan ko na rin sa buhay malalaman ko rin naman kung ano intensyon ng lalaki," ani Ara.

Malalim na rin ang kanilang pagkakilala sa isa't-isa. Sa katunayan nakilala na umano nito ang parents, mga kapatid at ilang mga kaibigan ng aktres. Commitment na lang umano ang kulang sa kanila.

Aminado din siyang madalas siyang makita sa lugar ni Dave sa San Pedro, Laguna kapag wala siyang taping ng Ang Probinsyano.

Gayunpaman, tanging ang kapatid at mga kamag-anak na lamang ng boyfriend ang nakilala niya dahil parehas nang wala ang mga magulang nito.

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

Two years na raw nanliligaw sa kanya si Dave at tanggap nito na meron siyang anak.

Matatandaang mariing tinanggi ni Ara na may inagaw siya matapos pumutok ang kontrobersiya sa pagitan nila ng dating karelasyon ni Almarinez na si Rina Navarro. Sa isang panayam ni Boy Abunda, sinabi niyang choice niyang manahimik na lamang tungkol sa isyu.

“Ang choice ko manahimik kasi wala akong dapat i-explain,” answered Mina. Of course you’ll be honest with your loved one. Kung ano iyong totoong nangyari, i-e-explain mo sa kanya. So I’m not afraid with that," aniya.

Nang diretsahang tanungin tungkol sa isyu ng pang-aagaw, itinanggi niya rin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ara Mina ay isang aktres at naging recording artist din. Kapatid niya ang aktres na si Christine Reyes.

Kamakailan lang ay inamin ng aktres na nasa dating stage sila ni Dave Almarinez. Sa kabila ng intriga, hindi nagpaapekto ang aktres at tuloy-tuloy lang sa pamamahagi ng tulong sa gitna ng pandemya.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel