Rescuer sa Cagayan, nasawi habang sumasagip sa mga binahang residente

Rescuer sa Cagayan, nasawi habang sumasagip sa mga binahang residente

- Nasawi ang isa sa sa mga rescue team na pumunta sa Cagayan upang sumagip ng mga residenteng lubog sa baha

- Kinilala ito na si Kelly Villarao na nakuryente ang binawian ng buhay sa kalagitnaan ng operasyon ng pag-rescue

- Si Villarao ay bahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na tumulong sa mga kababayan natin sa Brgy. Linao sa Tuguegarao City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rescuer sa Cagayan, nakuryente at nasawi habang sumasagip sa mga binahang residente

Kelly Villarao (Photo from Ian Saqquing Maggay Facebook)
Source: Facebook

Binawian ng buhay ang isa sa mga rescuer sa Brgy. Linao sa Tuguegarao City nitong Biyernes, Nobyembre 13 matapos na makuryente.

Nalaman ng KAMI na kinilala itong si Kelly Villarao, isang kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagboluntaryong sumagip ng mga kababayan nating nalubog sa matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Cagayan.

Sa social media post ng netizen na si Ian Saquing Maggay, kinumpirma nito ang pagpanaw ng rescuer.

Bagyong Ulysses, nagdulot din ng matinding landslide sa Cagayan, Ifugao at Nueva Vizcaya

Nagkaroon kasi ng balitang ang ama ni Maggay ang nasawi kaya nilinaw niyang ito ay si Villarao.

Marami ang nalungkot dahil nasawi si Villaro sa kalagitnaan ng kanilang operasyon sa pagsagip sa mga naghuhumiyaw na sa paghingi ng tulong na mga residente ng Brgy. Linao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa ulat ng News5, nadurog ang puso ng marami nang malamang mayroon palang anak si Villarao na limang buwang taong gulang pa lamang at hindi na nito masisilayan pang buhay ang kanyang ama.

Isa si Villarao sa mga kumpirmadong nasawi sa nasabing probinsya na nai-ulat ng Inquirer.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Cagayan Governor Manuel Mamba, hindi naman umano sila nagkulang sa pagbibigay babala sa kanilang mga kababayan.

Subalit hindi raw talaga nila inasahan ang grabeng pagbaha na maituturing na pinakamatindi sa kasaysayan ng kanilang probinsya.

Angelica Panganiban, ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa body-shaming

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Bagaman at hindi naman naging sentro ng tama ng bagyo, isa ang Cagayan sa nalubog sa baha magpasa-hanggang ngayon na tatlong araw na ang lumipas.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations sa lugar lalo na at nag-viral at nag-trending na ang mga social media post tungkol sa paghingi ng saklolo ng mga taga-Isabela at Cagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel