Pagpapaabot ng pagkain sa mga biktima ng baha, umantig sa mga netizens

Pagpapaabot ng pagkain sa mga biktima ng baha, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa isang video kung saan makikitang naghihiyawan ang mga biktima ng pagbaha

- Ito ay habang pinapadaan sa isang tali ang biskwit upang makarating sa mga biktimang kasalukuyan pa ring nasa kanilang binabahang lugar

- Maririnig ang hiyawan ng mga ito na binubuo ng karamihan ay kabataan na tila tuwang-tuwa na sa wakas ay makakain sila

- Marami sa mga residente ang nakaranas ng pagkagutom dahil hindi sila makalikas sa kanilang mga tahanan dahil sa mataas na lebel ng tubig-baha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa isang video ng pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng malawakang pagbaha. Makikita sa isang video ang masayang reaksiyon ng mga biktima habang hinihintay na makarating sa kanila ang isang timba ng biskwit.

Sa video na ibinahagi ng Facebook user na si Markluis Almaida De Leon, makikita kung paano nagawan ng paraan na maiparating sa mga apektadong residente ang biskwit.

Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa Tuguegarao City

Habang pinapadaan ito sa isang tali, maririnig ang hiyawan nila na tila ba tuwang-tuwa na sa wakas ay makakakain na sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami pa rin hanggang sa kasalukuyan ang nakakaranas ng pagbaha kabilang na ang ilang lugar sa Cagayan Valley dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam kasunod ng matinding buhos ng ulan bunsod ng bagyong Ulysses.

Pagpapaabot ng pagkain sa mga biktima ng baha, umantig sa mga netizens

Ania Blazejewska via Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang bagyong Ulysses na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon ay nagdulot ng matinding pagbaha. Unang nag landfall ito sa Patnanungan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi, November 11. Lumabas ito ng tuluyan sa Philippine area of responsibility nito lamang Biyernes. Kabilang sa pinakanaapektuhan ng pagtaas ng tubig ay ang Marikina at Rodriguez, Rizal na lagpas tao ang lalim ng baha.

Video ng binahang warehouse na puno ng package, ikinabahala ng netizens

Sa matinding dagok na ito na dumating, patuloy na nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng karamihan. Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Angel Locsin, Donalyn Bartolome, Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones at marami pang iba ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel