OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

- Masama ang loob ng isang OFW dahil sa panlolokong nagawa umano sa kanya ng dating lesbian partner

- Ang masaklap pa rito, naunahan pa umano siya nitong magdalang-tao

- Sa sama ng loob, sinisingil ng OFW ang dating kasintahan sa di umano'y napahiram niya ritong may kalakihang halaga ng pera

- Subalit dahil pandemya at buntis pa siya, hindi raw makapagbabayad agad ang dating kasintahan

- Napangaralan din sila ni Tulfo lalo na at tila nagiging "collection agency" lamang ang kanyang programa sa mga ganoong klase ng reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang OFW na si Mary Anne Rellama kung saan inirereklamo niya umano ang dating lesbian partner na si Apple Cortez.

Nalaman ng KAMI na nauna pa umanong magdalang tao si Apple kaysa kay Mary Anne kaya naman inakusahan niya talaga ito ng panloloko.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Sa tindi ng sama ng loob, sinisingil din niya ito ng halagang P98,000 na ipinagkatiwala niya kay Apple. Ito ay kabuuan na lamang ng lahat ng perang napahiram di umano ni Mary Anne sa dating kasintahan.

Subalit dahil sa pandemya at nagdadalang-tao pa ito, walang trabaho si Apple kaya hindi raw ito agad na makababayad sa kanyang dating kasintahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

P10,000 raw kasi kada buwan ang hinihingi ni Mary Anne ngunit ang pakiusap ni Apple ay P5,000 dahil iyon laman ang kanyang kakayanin kung makababalik na siya sa kanyang hanapbuhay sa Malaysia.

Dahil dito, pinangaralan ni Tulfo ang dalawa lalo na at nagmistulang collection agency ang kanyang programa.

"Loving-loving now, Tulfo later" daw kasi ang nangyayari at ayaw na sana niya ng mga ganitong kaso sa kanyang programa.

Sa huli, ipinagkasundo na lamang ang dalawa na magkapirmahan sa barangay patungkol sa P5,000 na ibabayad ni Apple kada buwan upang mabayaran ang P98,000 sa dating kinasama.

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.

Mabilis niyang inaaksyunan ang mga sumbong ng naaapi nating mga kababayan at agaran din naman ang kanyang pagbibigay ng tulong sa kapwang naghihikahos lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel