Video ng binahang warehouse na puno ng package, ikinabahala ng netizens

Video ng binahang warehouse na puno ng package, ikinabahala ng netizens

- Viral ngayon ang video ng isang binahang warehouse na puno ng mga parcels

- Pangamba ng mga netizens, ito ang mga in-order nila sa katatapos lamang na Sale sa dalawang kilalang online shopping app

- Ikinabahala nila na baka ang mga order nila ay isa sa mga basa at binaha sa warehouse

- Kasabay kasi ng hagupit ng bagyo ang 11.11 sale sa mga iba't ibang shopping websites

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng binahang warehouse na puno ng package, ikinabahala ng netizens

Photo from Jayson Ang's Facebook
Source: Facebook

Kumakalat ngayon ng isang maiksing video na nagpapakita ng isang binahang warehouse na puno ng mga parcel o packages.

Nalaman ng KAMI na labis na nangamba ang ma netizens lalo na at kasabay ng kasagsagan ng Bagyong Ulysses ang "11.11" sale sa mga kilalang online shopping app.

Ipinakita ng netizen na si Jayson Ang video kung saan mapapansing may tubig pa rin ang warehouse na hindi matukoy kung saan ang kinaroroonan.

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Mapapansin ang maliliit at malalaking package na bagaman ang karamihan nito ay naka-plastic, nakababad pa rin sa tubig baha.

Kapansin-pansin din na tila problemado ang mga tao sa video at halatang balisa, maaring sa sitwasyon man nila o dahil sa mga package na nasa paligid nila.

Dahil dito, labis na nangamba ang mag netizens na baka karamihan sa kanilang mga orders noong 11.11 ay naroon sa ipinakitang warehouse.

Bagaman at ang kaligtasan ng mga taong naroon ang kanila rin inalala, nanghinayang naman sila ng husto kung naroon nga ang mga produktong hinintay nilang mabili pagpatak ng Nobyembre 11 o "11.11"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Oh no! wala naman sana diyan ang orders ko"

"Well kung 11.11 naman kayo nag-order, malamang wala pa diyan yung order niyo. Don't worry 11.11 shoppers"

Netizen, humingi ng rescue nang ma-stranded sa bubong sa gitna ng Typhoon

"Malas nung mga appliances or gadgets ang order tapos nandiyan. saklap"

"Maintindihan sana ng customer. Hindi naman kasalanan ng seller maski ng courier"

"Parang hindi ko maisip paano ito masosolusyunan. Biglaang nangyari, malas lang nung customer na nandiyan ang order"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 nang manalasa ang bagyong Ulysses sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Nagdulot ito ng mga pagbaha na naging sanhi pa ng kawalan ng mga tahanan ng ating mga kababayan.

Tulad na lamang sa Marikina City kung saan tila nagbalik daw ang nangyari sa kanila noong nanalasa ang Bagyong Ondoy sa lugar. Umabot na naman kasi ng hanggang mga bubong ng may mga dalawang palapag na bahay ang tubig doon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel