Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

- Ligtas ang sanggol sa viral post kung saan inilagay siya ng kanyang mga magulang sa palanggana

- Pangamba ng kanyang ina, baka sa paglusong umano nilang mag-anak sa baha ay mabitawan niya ito o mahulog

- Kaya naman minabuti nilang ilagay ito sa malaking batya upang masigurong di ito lulubog sa tubig baha

- Bagaman at nakalikas na ang kanilang pamilya, nangangailangan pa rin sila ng tulong lalo na at nakisilong lamang muna sila sa kanilang kamag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Photo from Romelyn Tabalno Vii Facebook
Source: Facebook

Matapos na mag-viral ang larawan ng isang sanggol na nakalagay sa batya sa kasagsagan ng bagyo, walang ibang hinangad ang mga nakakita ng post kundi ang kaligtasan nito.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update ang ina ng bata at ligtas naman silang mag-anak na nakalikas mula sa binaha na nilang tahanan.

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Sa update ng ina ng sanggol na si Romelyn Tabalno Vii, ipinakita nitong maayos naman ang kanilang kalagayan kasama ang kanilang baby.

Nagbahagi muli siya ng mga larawan nila para ipakitang ligtas ang kanyang pamilya.

Ayon pa kay Romelyn, naisipan nilang ilagay sa batya ang anak upang masigurong hindi ito lulubog sa baha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pangamba niya kasi, baka sa pagtawid nila sa tubig baha ay biglang mabitawan niya ang sanggol.

Kaya naman para sigurado, inilagak nila ito sa palangganang siguradong lulutang.

At dahil sa nag-viral ang post, marami-rami na rin silang tulong na natanggap mula sa mga nagmalasakit na mga netizens sa kanila lalo na sa kanyang baby.

Labis siyang nagpapasalamat sa mga taong ito lalo na at nakikisilong pa rin sila ngayon sa kanilang kamag-anak na nasa mas mataas na lugar.

Nabanggit kasi ni Romelyn na mayroon pa ring tubig umano sa kanilang tahanan kaya naman hindi pa rin sila makabalik doon.

Sanggol, inilagay sa palanggana upang masigurong di lumubog sa mataas na tubig baha

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 ng gabi nang maramdaman ng iba'tibang bahagi ng Luzon ang bagsik ng Bagyong Ulysses.

Bukod sa kinaroroonan ng sanggol sa batya sa Cagayan, isa sa mga labis na naapektuhan ay ang Marikina City dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Tila nagbalik umano sa kanila ang naranasan nila noong Bagyong Ondoy ng 2009 kung saan umabot hanggang bubong ng mga bahay ang taas ng tubig.

Maging ang mga kilalang artista ay naging biktima rin ng baha at halos nalimas ang mga ari-arian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel