Bahay ni Daniel Matsunaga, nasalanta ng Typhoon Ulysses

Bahay ni Daniel Matsunaga, nasalanta ng Typhoon Ulysses

- Si Daniel Matsunaga ay nag-post sa social media matapos masalanta ng malakas na bagyo, ang Typhoon Ulysses

- Nasira pala ang ilang bahagi ng bahay ni Daniel sa kasagsagan ng nasabing bagyo

- Kinailangan tuloy ng aktor at ng kanyang mga kasama sa bahay na i-kumpuni ang nasirang bubong nila

- Kaagad din nilang nilinis ang loob ng bahay sapagkat pumasok na ang tubig dito dahil nga sa nasirang bahagi sa bubong ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bahay ni Daniel Matsunaga, nasalanta ng Typhoon Ulysses

Photo from Daniel Matsunaga's Instagram account
Source: Instagram

Si Daniel Matsunaga ang isa sa mga taong nasalanta ng malakas na bagyo, ang Typhoon Ulysses.

Nalaman ng KAMI na nasira ang ilang bahagi ng bahay ni Daniel sa kasagsagan ng nasabing bagyo.

Dahil dito, kinailangan ni ng aktor at ng kanyang mga kasama sa bahay na i-kumpuni ang nasirang bubong nila.

Tangi sa pagkukumpuni, kaagad din nilang nilinis ang loob ng bahay sapagkat pumasok na ang tubig dito dahil nga sa nasirang bahagi sa bubong ng bahay.

Donnalyn Bartolome, tumulong sa pag-rescue at nag-donate pa ng mga bangka

Pinayuhan din ni Daniel ang mga netizens na mag-tulungan at mag-ingat ng todo sa panahon ng sakuna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“stay safe everyone out there... praying for the Philippines
“we had a really horrible night under the rain until 5am trying to fix the ceiling cause the wind of the typhoon destroyed my glass cover on the third floor and the rain and wind didnt stop...
“lots of things flying... trees were on the floor and lots of accidents. grabe...ingat po kayo lahat and lets help others at this very moment. God bless po,” Daniel posted on Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa PAGASA, tatlong beses nag-landfall sa Quezon ang Typhoon Ulysses. Sa una nitong landfall, mayroon itong maximum sustained winds na 150 kilometers per hour. Dahil dito, may mga barangay na nagsagawa ng forced evacuations para iligtas sa panganib ang kani-kanilang mga residente.

Mga sikat na artista, ipinahayag ang pag-aalala sa gitna ng Typhoon Ulysses

Halos isang linggo lamang ang nakararan nang manalasa ang Bagyong Rolly na tumaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ng hanggang Signal number 5. Umani ng papuri si Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang public service sa gitna ng nasabing typhoon.

Ilang mga video rin ang nag-viral kaugnay nito kung saan makikita ang mga pinagdaanan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo. Masasabing milagrong nakaligtas sila dahil makikita ang hirap na kanilang sinapit dahil sa hagupit noon ni Rolly.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel