Pasig City, mamamahagi na ng relief kits sa mga nasalanta ni 'Ulysses' sa lungsod

Pasig City, mamamahagi na ng relief kits sa mga nasalanta ni 'Ulysses' sa lungsod

- Handa na ang Lungsod ng Pasig na mamahagi ng kanilang mga relief goods para sa nasalanta ng Bagyong Ulysses sa kanilang lugar

- Kasabay nito ang tuloy-tuloy na rescue operations sa mga kababayan nilang labis na naapektuhan ng bagyo

- Ilang bahagi ng kanilang siyudad ay binaha kaya naman marami sa kanilang mga kababayan ang kinailangang ilikas o ang iba naman ay sagipin dahil sa na-trap na sa kani-kanilang mga tahanan

- Sa pinakahuli nilang update, 60% na ng mga taga barangay Santolan na kinailangang i-rescue ang nasagip na sa tulong ng mga emergency responders

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pasig City, handa nang mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ni 'Ulysses' sa lungsod

Mayor Vico Sotto (Photo from Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Hinangaan ang Lungsod ng Pasig dahil sa pagiging alerto nito sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Nalaman ng KAMI na kanilang naibahagi sa Facebook page nilang Pasig City Public Information Office na nakahanda na ang mga relief kits na ipamamahagi sa mga Pasigueño na nasalanta ng bagyo.

Mayor Abby Binay ng Makati, nagpadala ng rescue team sa Marikina City

Makikitang patuloy ang pagpa-pack ng mga pagkain at iba pang mga kailangan ng mga labis na naapektuhan ng malakas na tama ng bagyong Ulysses.

Ayon din sa post, patuloy ang rescue operations sa kanilang lungsod lalo na at ilang lugar sa kanila ay nakaranas din ng pagbaha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa huling update ng operasyon, nasa 60% na ang agad na nailikas at nasagip mula sa Barangay Santolan kung saan tumaas ang tubig.

Personal na pinasalamatan ng kanilang alkalde na si Vico Sotto ang mga emergency responders na alisto sa mga pangangailangan ng Pasigueño.

"Thank you to our emergency responders for doing their best and working fast. Salamat din po sa MMDA NDRRMC at mga iba pang tumutulong," ang post mismo ni Mayor Vico sa kanyang Facebook account.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Dahil dito, hinangaan din muli ang pamumuno ng kanilang alkalde na si Mayor Vico na mula nang maupo ay marami nang hindi matatawarang proyekto na naipatupad.

Kamakailan, ay naglabas siya ng saloobin kung saan hindi raw siya dapat pasalamatan dahil sa pera ng bayan naman ang kanyang ginagamit sa mga ibinabahagi sa kanyang kababayan.

Si Mayor Vico Sotto ng Pasig City ay anak ng TV host actor at comedian na si Vic Sotto at TV host actress na si Connie Reyes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel