Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

- Maging ang mga kasama nina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang pamamalagi sa Balesin Island ay nakaranas din ng hagupit ni Ulysses

- Sa kanyang tweet, ibinahagi niyang kinailangan nilang lisanin ang tinutuluyang villa sa nasabing isla dahil nawasak na ito dala ng mga puno sa paligid

- Isa kasi ang Quezon sa mga lugar kung saan nag-landfall ang bagyong Ulysses kaya naman damang-dama ito nina Vice

- Ligtas naman ang kanilang grupo bagaman at nawalan ng power supply ang kanilang nalipatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

Ibinahagi ni Vice Ganda ang naging karanasan nila sa Bagyong Ulysses na humagupit din sa tinutuluyan nila sa Balesin Island sa Polilio.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Vice ang kanyang partner na si Ion Perez at maging ang kanilang malapit na kaibigan at kasama sa It's Showtime na si Jhong Hilario.

Sanggol, inilagay sa palanggana upang masigurong di lumubog sa mataas na tubig baha

Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice na kinailangan nilang lisanin ang tinutuluyang villa sa Balesin dahil sa winasak na umano ito ng mga nagtutumbahang puno sa kanilang paligid.

Nilarawan niyang "delubyo" raw ang kanilang nararanasan sa gabi ng Nobyembre 11 kung saan kasagsagan ng pag-landfall ni Ulysses sa probinsya ng Quezon.

Nabanggit din ni Vice na bagaman at ang nilipatan nila ay walang kuryente, ligtas naman silang lahat ng iba pa nilang mga kasama.

Sa ilan pa niyang mga updates, makikitang nakapunta pa sila mismo sa may tabing dagat. Subalit ang mga kasunod na tweet niya'y tungkol sa takot dahil sa tindi ng hagupit ng bagyong Ulysses.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cheryl Cosim, naluha sa ₱1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

Nitong nakaraang buwan, nagdiwang ng ikalawang anibersaryo sina Vice Ganda at Ion Perez sa Enchanted Kingdom. Tila karugtong pa rin ng kanilang selebrasyon ang Balesin vacation nila subalit inabot naman sila ng Bagyong Ulysses.

Si Vice Ganda ang isa sa mga pambatong host at komedyante ng Kapamilya Network. Bukod sa It's Showtime, mas lalong kinilala ang kanyang husay sa hosting nang magkaroon siya ng sariling show na "Gandang Gabi Vice."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel