Sanggol, inilagay sa palanggana upang di lumubog sa mataas na tubig baha

Sanggol, inilagay sa palanggana upang di lumubog sa mataas na tubig baha

- Agaw-eksena sa social media ang larawan ng sanggol na inilagay sa isang palanggana

- Mapapansing halos hanggang baywang na ang tubig baha dala ng pag-ulan ni Ulyssess

- Kalmado at tila nakangiti pa ang sanggol na nagbigay ng pag-asa at good vibes sa maraming netizens

- Hiniling nilang ligtas ang sanggol gayundin ang pamilya nito saan man sila naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sanggol, inilagay sa palanggana upang masigurong di malulubog sa mataas na tubig baha

Photo from Romelyn Tabalno Vii Facebook
Source: Facebook

Viral ngayon sa social media ang larawan ng sanggol na inilagak sa isang malaking palanggana.

Nalaman ng KAMI na baha na sa kinaroroonan ng pamilya ng sanggol kaya't inilagay ito sa palanggana para masigurong hindi ito malulubog sa baha.

Sa post ng netizen na si Romelyn Tabalno Vii, makikita ang sanggol sa palangganang nakalutang habang balot ito ng kanyang higaan at ilan niyang kagamitan.

Sa isang larawan naman ay ang sinasabing ama nito at kapansin-pansing hanggang baywang na ang tubig sa kanilang kinaroroonan.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Kahit binabagyo at binabaha, walang kamuwang-muwang ang sanggol sa mga kaganapan.

Naaliw ang mga netizens dahil larawan ng pag-asa at talagang nagdala ng good vibes ang post tungkol sa sanggol na tila nakangiti pa kahit nakalagay na siya sa palanggana.

Hanggad ng marami na sana'y ligtas ang baby gayundin ang pamilya nito lalo na at marami nang lugar sa bansa ang binaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens:

"God Bless you baby, stay calm... Ikaw lang ang magpapasaya sa family mo sa panahon ngayon"
"Ingat kayo baby and familya. Sana nasa lugar kayo na safe at dry"
"Kung saanman kay onaron sana may kinakain kayo at hindi kayo basa para iwas sa sakit"
"God bless this baby, very innocent, nakaka-good vibes po makita siya kahit binabagyo tayo"
Arnell Ignacio, sinagot ang patutsada ni G Tongi laban sa kanya
"Please, sana po safe ang baby na ito together with his family"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 ng gabi nang manalasa ang Bagyong Ulysses na hindi talaga nagpatulog sa marami nating mga kababayan dahil sa lakas ng hagupit nito.

Marami-raming lugar na rin ang labis na binaha partikular na ang Marikina kung saan masasabi nilang mas malala pa ang nangyari sa kanila ngayon, kumpara sa bagyong Ondoy noong 2009.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel