Netizen, humingi ng rescue nang ma-stranded sa bubong sa gitna ng Typhoon

Netizen, humingi ng rescue nang ma-stranded sa bubong sa gitna ng Typhoon

- Sa Rodriguez, Rizal, isang netizen ang nag-upload ng isang nakakatakot at nakakalungkot na video sa social media na may kinalaman sa Typhoon Ulysses

- Makikita sa nasabing video na umakyat na siya at ang kanyang mga kasama sa bubong ng kanilang bahay dahil malulunod na sila sa matinding baha kung hindi nila ito gawin

- Mapapanood din sa video na iniligtas nila ang kanilang mga alagang aso sa pagka-lunod sa baha

- Nangangailangan ng rescue team para makarating sa mas ligtas na lugar ang ilang mga residente ang na-stranded na sa bubong ng kani-kanilang mga bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Netizen, humingi ng rescue nang ma-stranded sa bubong sa gitna ng Typhoon

Typhoon Ulysses (Image from PAGASA)
Source: UGC

Isang netizen sa Rodriguez, Rizal na nagngangalang Jell LA Morena ang nag-upload ng isang nakakatakot at nakakalungkot na video sa social media na may kinalaman sa Typhoon Ulysses.

Sa Facebook video nya, makikitang umakyat na siya at ang kanyang mga kasama sa bubong ng kanilang bahay dahil malulunod na sila sa matinding baha kung hindi nila ito gawin.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Makikita rin sa video na iniligtas nila ang kanilang mga alagang aso sa pagka-lunod sa baha.

May ilang mga residente ang na-stranded na sa bubong ng kani-kanilang mga bahay at nangangailangan ng rescue team para makarating sa mas ligtas na lugar.

“RESCUE PO PLEASE marami pong baby at bata na andito pa. 1k2 Kasiglahan San Jose Rodriguez Rizal,” pinost ng netizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa PAGASA, tatlong beses nag-landfall sa Quezon ang Typhoon Ulysses. Sa una nitong landfall, mayroon itong maximum sustained winds na 150 kilometers per hour. Dahil dito, mayroon nang mga barangay na nag-sagawa ng forced evacuations.

Halos isang linggo lamang ang nakararan nang manalasa ang Bagyong Rolly na tumaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ng hanggang Signal number 5. Umani ng papuri si Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang public service sa gitna ng nasabing typhoon.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Ilang mga video rin ang nag-viral kaugnay nito kung saan makikita ang mga pinagdaanan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo. Masasabing milagrong nakaligtas sila dahil makikita ang hirap ng kanilang sinapit dahil sa hagupit noon ni Rolly.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel