Xian Lim, sinagot ang mga paratang sa kanya ng netizens tulad ng 'mayabang' at 'bading'

Xian Lim, sinagot ang mga paratang sa kanya ng netizens tulad ng 'mayabang' at 'bading'

- Nagbigay ng reaksyon si Xian Lim tungkol sa mga paratang sa kanya ng ilang mga netizens

- Sinagot ni Xian ang ilan sa mga 'mean tweets' na kanyang madalas na natatanggap

- Ilan sa mga ito ay tungkol sa kanyang ugali, pag-arte at maging ang reaksyon ng ilan na isa raw siyang bakla

- Nagbigay payo rin si Xian patungkol sa kung paano dalhin ang mga puna na ito ng bashers na hindi naman mawawala kaninoman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Xian Lim, sinagot ang mga paratang sa kanya ng netizens tulad ng 'mayabang' at 'bading'

Xian Lim (Photo from Flickr)
Source: UGC

Matapang na hinarap ng aktor na si Xian Lim ang ilang mga 'mean tweets' tungkol sa kanya.

Sa video na in-upload niya sa kanyang YouTube channel noong Nobyembre 9, naglabas ng saloobin si Xian tungkol sa ilang mga maling akala sa kanya ng netizens.

Nalaman ng KAMI na isa sa madalas na maiparatang kay Xian ay ang pagigi raw nitong mayabang.

Jihyo ng TWICE at Kang Daniel, hiwalay na matapos ang mahigit isang taong relasyon

"You know I always hear that about me. I always hear people tell me that I look arrogant," pahayag ni Xian na sa kanyang palagay ay dahil ito sa kanyang mukha kaya ganoon agad ang impresyon sa kanya.

Isa ring komento na kanyang hinarap ay ang mga nagsasabi na isa raw siyang bakla.

"I kind of expected that we would all be called gay. Think of an actor and one point they will say, 'That's gay eh," ang kanyang detalyadong sagot.

Pati rin ang kanyang pag-arte ay nagawang punahin ng ilang netizens na para sa kanya ay hindi naman talaga maiiwasan.

"Art is subjective. So you take care of your life," paliwanag ng aktor na nakabihag ng puso ni Kim Chiu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagbigay payo rin siya patungkol sa kung paano dalhin ang mga ganitong komento ng ilang bashers at kritiko na hindi mawawala lalo na sa mga kilalang personalidad tulad niya.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

"My advice? one, don't read it. Second, don't take it too seriously."

"It's easier said than done but it seems like if you listen to everything of what people are saying to you, you're better than that. You're worth more than that, the comment they're saying about you. payo ni Xian.

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa kanyang YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xian Lim o Alexander Xian Cruz Lim-Uy ay isang Kapamilya actor, filmmaker, modelo, singer, host, at professional basketball player.

Kamakailan ay nabigay siya ng house tour sa kanyang YouTube channel na isa rin sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

Sa kanyang channel makikita kung gaano rin siya kalapit sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang lola.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel