Angeline Quinto, ibinahagi ang video ng isa sa mga huling sandali nila ng kanyang 'Mama Bob'

Angeline Quinto, ibinahagi ang video ng isa sa mga huling sandali nila ng kanyang 'Mama Bob'

- Labis ang pagdadalamhati ni Angeline Quinto sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina na si Sylvia Quinto

- Hindi niya napigilang maluha nang kapanayamin siya sa mismong burol ng ina at sinabing hindi pa raw siya handa sa pagakawala nito

- Miss na miss na raw niya ang kanyang 'Mama Bob' na kahit hindi niya tunay na ina ay siyang nagpalaki sa kanya at nagbigay sa kanya ng pagkakataong magkaroon ng matatawag niyang mama

- Ibinahagi rin ni Angeline ang isang video kung saan nagawa pa umano niyang kantahan ang ina sa ospital bago pa man ito sumakabilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Angeline Quinto, ibinahagi ang video ng isa sa mga huling sandali nila ng kanyang 'Mama Bob'

Photo from Angeline Quinto's Instagram
Source: Instagram

Aminadong hindi pa handa ang singer actress na si Angeline Quinto sa pagpanaw ng inang si Sylvia Quinto o mas kilala sa tawag niyang "Mama Bob."

Nalaman ng KAMI na matapos ang dalawang buwang pagkakalagak sa ospital noong Setyembre 9 at binawian na rin ng buhay ang pinakamamahal na ina ni Angeline nitong Nobyembre 7.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Hindi man niya tunay na ina, labis ang pagdadalamhati ni Angeline sa pagkamatay ng kanyang Mama Bob na nagbigay umano ng pagkakataon sa kanya na may matawag siyang 'Mama.'

Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, hindi napigilang maluha ni Angeline habang inilalabas ang saloobin sa pagka-miss niya sa kanyang pinakamamahal na ina.

"Alam naman ng lahat na ito yung greatest fear ko... Namimiss ko siya sobra!" ang naluluhang nasabi ni Angeline.

"Sa lahat nang nangyayari sa buhay ko walang kasing sakit to..." dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila ng mga nangyari, nagpapasalamat pa rin daw siya na nabigyan siya ng dalawang buwan upang masabi lahat ang nais niyang sabihin sa kanyang Mama Bob.

Tila ibinigay raw talaga sa kanya ng Diyos ang oras na iyon para maibuhos niya ang pagmamahal at oras para sa ina.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Naibahagi rin ni Angeline ang isang video ng mga huling sandali nila ng ina noong nalagak pa ito sa ospital.

Makikita sa video na tinanong pa ni Angeline si Mama Bob kung nais niyang kantahan siya nito ng paborito niyang kanta na "Somewhere over the rainbow."

Makikinig na sumagot pa ang ina bago siya kantahan ni Angeline.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isa sa mga Filipina actress at singer sa bansa. Mas nakilala siya sa husay niya sa pag-awit nang maging mainstay siya ng Sunday noontime show na ASAP sa Kapamilya network.

Bagaman at adoptive mother lamang niya si Mama Bob, lagi niya itong ipinagmamalaki sa lahat mula pa noong pasukin niya ang showbiz.

Kaya naman ganun na lamang ang paghingi niya noon ng dasal nang ma-stroke ito para sana sa agaran nitong paggaling subalit sa kasamaang palad ay yumao na rin ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel