Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama
- Naging palaboy na lamang ang isang lalaking iniwan ng mga kasama na inakala niyang magbibigay sa kanya ng trabaho
- Mula pa sila Nueva Ecija at ngayo'y nais na lamang sana niyang makauwi pabalik sa probinsya
- Isang netizen ang nakapansin sa kanya at ngayo'y tinutulungan siyang makalikom ng pera para makauwi na siya sa kanila
- Marami-rami na ring netizens ang nagpaabot ng kanilang tulong para tuluyan nang makapiling ng lalaki ang kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Source: Facebook
Viral ang post ng netizen na si Sumea Grace kung saan ibinahagi niya ang kalagayan ng isang lalaki na kanila ngayong tinutulungan.
Nalaman ng KAMI na nakita umano ni Grace ang lalaking si Alfred Dela Cruz na iika-ika sa paglalakad kaya naman nilapitan niya ito upang malaman ang sitwasyon nito.
Ikinuwento ni Tatay Alfred na may mga kasama siya papunta rito sa Maynila para sana magtrabaho.
Tumuloy pa raw sila sa isang apartment subalit paggising niya, wala na raw ang kanyang mga kasama at iniwan na siya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil sa wala naman siyang ibang mapupuntahan, naging palaboy na lamang siya sa Lagro, Quezon City kung saan siya natagpuan ni Grace.
Pinakain na rin niya ang lalaki at binigyan tulong. Nais na rin daw kasi nitong makauwi na lamang pabalik sa Nueva Ecija upang makapiling na ang kanyang pamilya lalo na at wala naman siyang napala sa Maynila.
Sa ngayon, tinutulungan ni Grace na makalikom si Tatay Alfred ng kanyang pamasahe pauwi sa kanilang probinsya.
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ng krisis dahil sa kawalan ng trabaho.
Ang ilan pa nga'y napilitan na maglakad na lamang pauwi sa kani-kanilang probinsya dahil sa wala na silang hanapbuhay pa sa siyudad ng Maynila.
Ang ilan, nagtiyaga na magbisikleta dahil sa kawalan ng pamasahe at kawalan din ng masasakyan dahil sa community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: Kami.com.ph