Mabait na vlogger, binigyan ng makeover ang kwarto ng viral na Korean

Mabait na vlogger, binigyan ng makeover ang kwarto ng viral na Korean

- Muling natulungan ng vlogger na si Basel Manadil ang nag-viral na Korean na nagtitinda ng noodles sa Las Piñas

- Bukod sa perang nai-abot na niya rito, naisipan pa niyang i-makeover ang tinitirahan nito

- Nakita niya kasi kung gaano kagulo ang nirerentahan nitong kwarto na wala man lang pagpatungan ng mga gamit

- Naging emosyonal pa ang dalawa nang tawagin na ni Basel na 'aboeji' si Mr. Chang na ang ibig sabihin ay 'tatay'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabait na vlogger, binigyan ng makeover ang kwarto ng viral na Korean

Photo from The Hungry Syrian Wanderer Facebook
Source: Facebook

Hindi na naman makapaniwala ang Korean na si Chang Sam Hyum sa bagong mga biyayang natanggap niya mula sa vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Matatandaang si Mr. Chang ang nag-viral na Korean na nagtitinda ng noodles sa kalsada matapos na mawala lahat ang milyones dahil sa pagka-casino.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Nalaman ng KAMI na bukod sa malaking halaga ng pera na naibigay ni Basel nang sadyain niya si Mr. Chang, binigyan pa niya ng makeover ang tinitirahan nito.

Sumama kasi si Basel sa tirahan ni Mr. Chang at nakita niya ang kalagayan nito.

Magulo, walang patungan ng gamit at malamok pa raw dahil may kulambo itong ginagamit.

Makikita ring nasa sahig lamang maging ang mga pagkain nito at wala pang ilaw ang kanyang banyo.

Dahil dito, hindi nagdalawang isip si Basel na ayusin at linisin ang lugar ni Mr. Chang.

Ipinamili niya ito ng ilang gamit sa bahay, tulad ng maayos na higaan at mga unan, dining at kitchen set, mga drawers at stall na maaring paglagayan ng gamit ni Mr. Chang.

Nilinis din nila ang lugar nito sa tulong ng dalawang empleyado niya sa YOLO, ang kanyang restaurant.

Labis-labis ang pasasalamat ng Korean na nagpatawag na ng "aboeji" kay Basel na ang ibig sabihin ay 'tatay.'

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Aminadong hindi siya makakatulog sa gabing iyon dahil sa biglaang biyaya na natanggap mula sa napakabait na vlogger.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni The Hungry Syrian Wanderer:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer sa mga popular na YouTube star sa bansa.

Minahal siya ng mga Pinoy dahil sa pagmamahal din niya sa bansa at sa pagtulong niya sa mga kapos-palad nating kababayan.

Iba man ang kanyang nasyunalidad, pusong Pinoy naman na raw siya kaya naman panay ang pagtulong at pagkalinga niya sa ating mga kababayang labis na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel