Raffy Tulfo at Ogie Diaz, napag-usapan kung gaano kalaki ang kinikita nila bilang mga YouTuber

Raffy Tulfo at Ogie Diaz, napag-usapan kung gaano kalaki ang kinikita nila bilang mga YouTuber

- Halos magkabistuhan na sina Raffy Tulfo at Ogie Diaz kung gaano nga ba ang kinikita nila bilang mga YouTuber ng bansa

- Pareho raw ang adbokasiya ng dalawa na anumang kinikita nila sa pagiging mga vlogger ay siyang ginagamit naman nila upang makatulong sa kapwa

- Tulad na lamang ni Tulfo na talagang napapagastos ng milyon sa mga taong nais niya talagang matulungan o di kaya'y alam niyang kailangang matulungan

- Taos puso ring pinasalamatan ni Tulfo ang kanyang mga subscribers na 'solid' ang suporta sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo at Ogie Diaz, napag-usapan kung gaano kalaki ang kinikita nila bilang mga YouTuber

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Muntik nang magkabukingan sina Raffy Tulfo at Ogie Diaz kung magkano nga ba ang kinikita nila sa pagiging mga YouTuber.

Nalaman ng KAMI na sa panayam ni Ogie kay Tulfo, nabanggit ng dalawa na ang perang kinikita nila sa pagiging mga vlogger o content creator ng mga YouTube videos nila ay napupunta naman sa pagtulong nila sa kapwa.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Doon, halos magkabistuhan ang dalawa kung gaano kalaki ang kanilang natatanggap sa YouTube lalo na at isa sila sa mga kilalang mga YouTuber sa bansa.

"Malaki raw sa'yo, P50 million daw sa'yo," pabirong sabi ni Tulfo.

"Nananalamin ka po ba?" natatawang sagot naman ni Ogie.

Nabanggit kasi ng dalawa na ang perang kinikita sa YouTube ang siyang ginagamit din nila sa pagbibigay tulong sa kanilang kapwa.

Naikuwento pa ni Tulfo ang natatanggap din niyang biyaya sa pagtulong sa mga kapos-palad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang kagadahan daw kasi nito ay bumabalik din ang pagbabahagi niya sa iba, minsan pa raw ay triple ng kanyang naibibigay.

Subalit paalala niyang dapat na ginagawa ang pagtulong ng bukal sa kalooban at hindi dahil sa maaring bumalik na biyaya dahil sa pagtulong.

Nabanggit din nitong masarap daw tulungan ang mahihirap dahil labis-labis daw ang pagpapahalaga ng mga ito sa anumang tulong na iyong maibibigay.

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Subalit hindi naman nangangahulugang hindi na niya tutulungan ang may mga kaya sa buhay.

Katunayan, marami-rami na rin ang mga natulungan ng kanyang programa kahit pa ang mga ito ay mayayaman o kilala sa lipunan.

Pinasalamatan din ni Tulfo ang mga tagahanga at sumusuporta niya na nanatiling 'solid' at a talagang nagtitiwala sa kanyang serbisyo publiko. Umabot na kasi sa 17 million ang mga YouTube subscribers niya.

Narito ang Part 2 ng video ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Raffy Tulfo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.

Kamakailan lamang ay natulungan niya ang isang taho vendor na pasan ang anak na magkaroon na lamang ng sariling negosyo upang hindi na mahirapan sa paglalako.

Kuya Wil, tuwang-tuwa sa Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

Isa rin sa mga natulungan niya at binagsakan pa niya ng isang milyong piso ay ang lady driver na naka-argumento ng isang pulis sa Taguig. Inilaan niya ang malaking halaga ito para suportahan ang kasong isasampa ng lady driver at mabigyan di umano ang pulis na kitang-kita raw ang pagkakamaling ginawa sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel