COVID-19 vaccine, 90% na epektibo at nasa phase 3 trial na ayon sa Pfizer

COVID-19 vaccine, 90% na epektibo at nasa phase 3 trial na ayon sa Pfizer

- Inanunsyo ng CEO ng Pfizer na kasalukuyan nang nasa phase 3 ang trial ng ng COVID-19 vaccine

- 90% nang epektibo ang naturang vaccine na maaring magbigay proteksyon sa atin sa naturang virus

- Nagsisimula na rin silang mag-manufacture nito upang makatipid sa oras lalo na at lumalabas na epektibo nga ang experimental vaccine

- Tinatayang nasa 50 million na vaccine ang kaya nilang magawa ngayong taon habang 1.3 billion doses naman ang ipamamahagi sa buong mundo pagpatak ng 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 vaccine, 90% na epektibo at nasa phase 3 trial na ayon sa Pfizer

Photo from Flickr
Source: UGC

Isang napakagandang balita ang ibinagi ng Pfizer at BioNTech ngayong araw, Nobyembre 9.

Nalaman ng KAMI na 90% nang epektibo ang isinasagawang COVID-19 vaccine na magsisilbing proteksyon laban sa nasabing virus.

Ayon sa Rappler, lumalabas sa preliminary findings na ang mga pasyente sa trial ay nagkaroon ng proteksyon sa loob ng pitong araw matapos ang dalawang dose habang 28 na araw naman matapos ang unang dose.

G Tongi, muling bumwelta matapos sagutin ni Arnell Ignacio ang kanyang pahayag

"The first set of results from our Phase 3 COVID-19 vaccine trial provides the initial evidence of our vaccine's ability to prevent COVID-19," pahayag ni Pfizer chairman and CEO Albert Bourla.

"We are a significant step closer to providing people around the world with a much-needed breakthrough to help bring an end to this global health crisis,"

"We are reaching this critical milestone in our vaccine development program at a time when the world needs it most," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng ABS-CBN News, upang mas mapabilis ang pagsasagawa nito, nagsisimula na rin ang pag-manufacture ng vaccine.

Inaasahang nasa 50 million doses ang magagawa nila ngayong taong habang 1.3 billion doses ang nakatakdang ipamamahagi sa buong mundo pagpatak ng 2021.

Dagdag pa ng Reuters, para tuluyang makumpirma ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccine, patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng trial na kasalukuyang nasa phase 3 na.

Mariel Rodriguez, ikinuwento ang pagkakalito ni Robin sa pagtawag sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 2020 nang magkaroon ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Isa itong Chinese national na mula mismo sa Wuhan, China kung saan pinaniniwalaang nagmula ang noo'y tinawag pa lamang na novel coronavirus.

Marso ng kasalukuyang taon nang magdeklara naman ng enhanced community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa partikular na sa Merto Manila kung saan mayroong mataas na kaso ng tinamaan ng COVID-19.

Kasalukuyan nang umabot sa 396,395 ang kabuuang bilang ng mga nagkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas. 361,638 naman dito ang mga naka-recover na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel