20-anyos na anak, masayang nakita ang hinahanap na ama ngunit pilit siyang itinatanggi nito

20-anyos na anak, masayang nakita ang hinahanap na ama ngunit pilit siyang itinatanggi nito

- Masaya na sana ang isang 20-anyos na dalaga dahil nakita na niya ang amang hindi nakapiling mula nang siya ay isilang

- Ang masaklap, pilit siya nitong itinatanggi at sinasabing ang kanyang ate lamang ang anak nito at hindi siya

- Nang umalis pala ang kanyang ina, hindi alam ng kanyang ama na nagdadalang tao ito sa kanya

- Upang magkaalaman ng katotohanan, Ipapa-DNA na lamang sila ni Raffy Tulfo

- Ngunit ang mga netizens ay umalma dahil kamukhang-kamukha naman daw ng lalaki ang dalagang nagsasabing ama siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

20-anyos na anak, masayang nakita ang hinahanap na ama ngunit pilit siyang itinatanggi

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Humingi na ng saklolo ang 20-anyos na si Merilyn sa programa ni Raffy Tulfo dahil pilit siyang itinatanggi ng sinasabing ama niya.

Nalaman ng KAMI na mula pagsilang ay di na nakita ni Merilyn ang ama.

Sa tulong ng kanyang tiyo, natunton niya ang Facebook ng sinasabing ama kaya naman agad niya itong pinadalhan ng mensahe at nagpakilalang anak nito.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Subalit ang kasiyahan ay agad na napaltan ng hinanakit nang sabihin ni Rene Majadas, na hindi siya nito anak.

Nilinaw pa nitong ang ate lamang ni Meri na si Renelyn ang anak niya.

Ayon naman sa ina ni Meri na si Mercedita Develles, nang umalis pala siya sa poder ni Rene ay nagdadalang tao siya.

Ito ang hindi nalaman ni Rene kaya naman pilit niyang itinatanggi si Meri.

Dahil dito, sasagutin na ni Raffy Tulfo ang pagpapa-DNA sa dalawa upang malaman ang katotohanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman kay Rene, magiging masaya siya kung malalaman niyang anak niya si Meri.

Sa ngayon kasi, tila naguguluhan pa siya at hindi siya sigurado kung anak nga ba talaga niya ito.

Samantala, halos pare-pareho ang anging reaksyon ng mga netizens na nakapanood na ng episode na ito ng Raffy Tulfo in Action.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Marami ang nagsasabi sa kanila na magkamukhang-magkamukha si Rene at Meri lalo na nang ipinagdikit ang mga mukha nito sa screen.

Ayon pa nga sa iba, tila di na raw kailangan pa ng DNA test dahil sa itsura pa lang, masasabing mag-ama nga ang dalawa.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.

Kamakailan, natulungan niya ang isang lady driver na di umano'y nakulong ng ilang araw dahil lamang sa di pagkakasundo sa parking sa isang coffee shop sa Taguig.

Gayundin ang isang taho vendor na pasan ang anak habang naglalako dahil wala raw mapag-iiwanan dito. Tinulungan din sila ng kanilang 'Idol Raffy' upang magkaroon ng ibang hanapbuhay na hindi na niya kailangang bitbitin ang anak.

Bibong bata, binisto ang nanay na nagsasagot ng kanyang mga module

Ilan lamang ito sa mga natulungan ni Tulfo kaya naman hindi nakapagtatakang umabot na sa 17 million ang mga subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel