Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

- Emosyonal pa rin si Lorita Cadena nang inalala niya ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena sa programang KMJS

- Naitanong kasi ng host na si Jessica Soho ang detalye ng pagkamatay ng kilalang vlogger kaya naman di naiwasang maluha ng ina nito

- Naikwento rin naman ng ina ang mga masasayang alaala nila ni Lloyd

- Labis ang pasasalamat ni Mother Kween sa pagmamahal at sa lahat ng naipundar ng anak para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Photo from Lloyd Cafe Cadena's Facebook
Source: Facebook

Sa episode ng Kapuso mo, Jessica Soho, nagpaunlak ng interview ang ina ng pumanaw na vlogger na si Lloyd Cadena.

Nalaman ng KAMI na ito ang unang pagkakataon na magiging panauhin si Lorita Cadena o mas kilala bilang "Mother Kween" sa isang TV show.

Hindi pa rin maiwasang maging emosyonal ng ina ng kilalang YouTuber sa bansa nang maitanong na ang detalye ng pagkamatay ni Lloyd.

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Aminado kasi si Mother Kween na hindi siya makapaniwala na COVID-19 nga ang isang dahilan ng pagkamatay ng anak gayung negatibo naman daw sila sa isinagawang test.

Subalit tanggap naman daw niyang hiram lamang ang buhay ng anak kaya kahit na paano'y panatag na ang loob na kasama na raw nito ang Panginoon.

Bagaman at nadadalas ang pagluha habang kinakapanayam siya ni Jessica Soho, mababakas naman ang pagiging makulit din nito at masayahin na namana raw sa kanya ng kanyang pumanaw na anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Katunayan, mayroon na ring sariling YouTube channel si Nanay Lorita kung saan nga siya nabansagang "Mother Kween" dahil sa "Kween LC" naman ang bansag kay Lloyd.

Sa kanyang channel na rin siya nakapagbibigay ng update tungkol sa mga kaganapan sa biniling bahay ni Lloyd bago ito pumanaw.

Katunayan, on going na raw ang pagpaapgawa niya ng musuleyo ni Kween LC at gagawin niya itong bukas sa publiko.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Hanggang sa mga huling araw ni Lloyd ay ang pamamahagi ng biyaya ang inaatupag nito kabilang na rito ang pagbili ng bahay at lupa gayundin ang mga gamit para kanilang pamilya lalo na sa inang kaka-retiro pa lamang sa pagiging isang OFW.

Tuloy lamang ang buhay para kay Mother Kween na labis na nagpapasalamat kay Lloyd sa pagmamahal nito sa kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dalawang buwan na ang nakalilipas ng nagulantang ang publiko sa biglaang pagpanaw ng kilalang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Labis na nagluksa ang kanyang mga tagahanga at malalapit na kaibigan maging ang kanyang idolo na si Mariah Carey ay nagpabatid ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd sa kanyang pagpanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel