Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

- Ibinahagi ni Liz Uy ang kanyang naranasan matapos siyang magbahagi sa social media ng litrato ng kanyang anak

- Matapos punahin ng mga netizens, natuto naman umano siya ngunit hindi niya tinanggal ang kanyang post

- Ibinahagi niya kung paano nakaapekto sa kanya ang mga pagpuna at mga payo sa kanya ng mga netizens

- Si Liz ay may isang anak sa kanyang businessman partner na si Raymond Racaza

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam sa programa ni Toni Gonzaga na "I Feel U", ibinahagi ng fashion stylist na si Liz Uy ang kanyang karanasan nang minsan ay makatanggap siya ng mga pagpuna mula sa mga netizens dahil sa kanyang Instagram story.

Imbes na magalit o tanggalin ang kanyang post, nagpasalamat na lamang umano si Liz at naging paraan din iyon upang lalo siyang matuto bilang isa siyang first-time mom.

Bianca Gonzalez, nagbigay ng payo sa kagaya niyang may acne problems

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Liz Uy, ibinahagi ang tungkol sa dinanas na mom shaming sa social media

lizzzuy/Instagram
Source: Instagram

Ibinahagi din niya ang nais niya sa pagpapalaki sa anak na si Xavi.

“Gusto ko sa bahay pa lang naming, sapat na yung love. Pinapa-feel talaga namin no matter what happens, we are here for him. Kami yung talagang kapag dumating [yung time] in the future na may problem, siyempre gusto kong ipaalam sa kanya na we are here. Siyempre ayaw kong ipaalam na kahit mali siya, pero as a parent, itatama natin yung mali pero we’ll be here for you. Parang enough na yung love na nafi-feel niya at home,” aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan ay ibinahagi ni Liz na engaged na siya kay Raymond. Inamin niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis noong 2018.

G Tongi, muling bumwelta matapos sagutin ni Arnell Ignacio ang kanyang pahayag

Ipinanganak ni Liz ang anak nila ni Raymond na si Xavi noong September 20, 2017. Ngunit noong March 2018 lamang ipinakilala sa publiko ni Liz ang anak sa kaniyang Instagram account.

Matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa pagbubuntis niya kasunod ng mga makahulugang post ng dating asawa ni Racaza sa social media. May naging pasaring ito tungkol sa pang-aagaw.

Gayunpaman, sa kasalukuyan, may lumabas na balitang engaged na rin ang dating asawa ng businessman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel