Bianca Gonzalez, ipinakita ang kanyang unfiltered picture

Bianca Gonzalez, ipinakita ang kanyang unfiltered picture

- Ibinahagi ni Bianca Gonzalez ang isang litrato niya kung saan makikita ang kanyang tagiyawat

- Aniya, ibinahagi niya ito para sa mga kagaya niya na nakakaranas din ng acne at malaman nilang hindi lang sila ang dumaranas ng ganoong problema

- Ayon sa kanya, sinubukan niyang gumamit ibang produkto na hindi pala hiyang sa kanyang balat

- Agad naman siyang kumonsulta sa doktor upang malunasan ang kanyang acne problem

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Bianca Gonzalez ang kanyang unfiltered photo kung saan ipinakita niya ang pagkakaroon niya ng acne. Marami umano ang nakarelate sa kanya nang una niyang ibahagi ang tungkol sa kanyang pinagdaanan kaya minabuti niyang ibahagi ang kanyang kwento.

Alam niya umanong marami pang mas matinding problema sa ngayon ngunit ayon sa kanya, nais niyang ibahagi ito para sa ibang nakakaranas din ng acne kagaya niya.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ni Bianca na gumamit siya umano ng bagong produkto na naging dahilan ng paglabas ng mga tigyawat. Hindi umano siya nakapunta sa dermatologist simula nang mag-lockdown dahil sa pag-iingat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inudyukan naman niyang kumonsulta sa derma ang mga kagaya niyang dumaranas ng skin breakout sa pamamagitan ng mga Telemedicine apps.

Consult a derma if you can sa Telemedicine apps. And know na hindi ka nag-iisa, dagdag pa niya.
Bianca Gonzalez, ipinakita ang kanyang unfiltered picture

Bianca Gonzalez and JC Intal flickr.com/photos/danealegana/15637510239
Source: UGC

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate .

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Kamakailan ay ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa pinakitang paninindigan nina Liza Soberano at Julia Barretto na nagsampa ng reklamo. Si Liza, laban sa isang netizen na nagpahayag ng isang biro na maituturing nang banta sa kaligtasan niya.

Si Julia naman ay nagsampa ng reklamo laban sa broadcaster na si Jay Sonza sa pagpapalabas nito ng maling impormasyan tungkol sa kanya.

Inalmahan ni Bianca ang naranasang skin shaming matapos niyang ibahagi ang isang litrato niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel