Mariel Rodriguez, ikinuwento ang pagkakalito ni Robin sa pagtawag sa kanya

Mariel Rodriguez, ikinuwento ang pagkakalito ni Robin sa pagtawag sa kanya

- Naging masaya ang pag-uusap nina Mariel Rodriguez at Vina Morales

- Nag-uusap sila online habang tinuturuan ni Vina si Mariel na magluto ng pinakbet gamit ang bagoong na negosyo ni Vina

- Binuking din ni Mariel na nalilito minsan si Robin at tinawag siya na Babes imbes na Babe

- Babes ang term of endearment ni Robin sa ex-girlfriend niyang si Vina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging masaya ang usapan nina Mariel Rodriguez at Vina Morales sa isang cooking vlog na ibinahagi ni Mariel sa kanyang YouTube channel.

Habang nag-uusap ay tinuturuan ni Vina si Mariel kung paano lutuin ang pinakbet gamit ang bagoong na negosyo ni Vina.

Napag-usapan ng dalawa ang naging relasyon noon ni Vina at Robin na ayon sa singer-actress ay tumagal ng isa at kalahating taon na on and off.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mariel Rodriguez, ikinuwento ang pagkakalito ni Robin sa pagtawag sa kanya

Robin Padilla (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado naman si Mariel na pakiramdam niya ay totoo ang pag-ibig ni Robin noon kay Vina.

“The way I see it parang totoo yung love sa iyo ni Robin noon.”

Isa pa sa naibahagi ni Mariel ay ang tawagin siyang Babes ni Robin. Natuklasan niyang ito pala ang tawag ni Robin kay Vina noon.

"You know why? Di ba sa Kesayasaya, Babes yung tawag sa iyo? Minsan nalilito na siya [Robin], tatawagin niya ako na Babes. Sasabihin ko, Babe, ako yung walang S. Natatawa siya kasi nire-remind ko siya na ako yung Babe na walang S, si Vina ang Babe na may S,” ani Mariel.

Si Robin ay naging boyfriend ni Vina noong siya ay 16 taon pa lamang at naging leading man niya ito sa maraming pelikula.

Ryan Agoncillo, ibinahagi ang litrato na kuha sa unang kaarawan ng anak na si Yohan

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Mariel ang kanyang suporta sa ABS-CBN at sa It's Showtime.

Inalmahan niya din ang patutsada sa kanya kaugnay sa umano'y kawalan nito ng suporta sa Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel