Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na anniversary message para sa misis

Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na anniversary message para sa misis

- Marami ang napa "sana all" sa sweet na message ni Kean Cipriano para sa asawang si Chynna Ortaleza

- Muli niyang binalikan ang limang taon nilang pagsasama ng asawa at ina ng kanyang dalawang anak

- Ayon pa sa kanya, ito na ang pinakamahaba niyang relasyon sa buong buhay niya

- Unang kinasal ang dalawa sa isang secret civil ceremony noong taong 2015 at sinundan ng church wedding noong 2017

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pagbati sa asawang si Chynna Ortaleza, binalikan ni Kean Cipriano ang limang taon nilang pagsasama. Ayon sa kanya, ito ang kanyang pinakamatagal na relasyon sa buong buhay niya. Pakiramdam niya ay sobrang tagal na ng kanilang pagsasama dahil umano sa dami at tindi ng kanilang mga pinagdaanan.

“4 months kitang naging girlfriend. 1 month naging fiancé. Tapos kinasal after 6 months simula ng maging tayo. Ngayon limang taon na kitang asawa. Pero sa dami at tindi ng pinagsamahan natin, feeling ko 20 years na! Ang galing! Ang sarap sa pakiramdam. Never pa kasi akong naka experience ng ganitong kahabang relasyon sa buong buhay ko,” aniya.
Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Sa tingin niya, ang sekreto ng kanilang maayos at matagal na pagsasama ay dahil sa kanilang pagkakaibigan.

“Alam ko na kung bakit, kasi more than anything, kaibigan kita. At yun ang legit na pang matagalan.”

Maswerte umano siya dahil sa pagmamahal, pagalaga at pagprotektang ginagawa sa kanya ng asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na anniversary message para sa misis

Kean Cipriano/Facebook
Source: Instagram

Taong 2015 nang ikinasal sina Kean at Chynna sa isang secret civil ceremony. Matapos ang dalawang taon, ikinasal naman sila sa isang church wedding sa Twin Hearts of Jesus and Mary sa Quezon City noong November 7, 2017.

Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Stellar at Salem.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan ay usap-usapan ang ibinahaging litrato ni Chynna kung saan makikitang nakatulog na si Kean nang nakaupo dahil sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Nauna ring ibinahagi ni Chynna ang umano'y ginawa niya upang mapabago ang asawa sa pagiging babaero nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel