Cha-cha Cañete, balik-recording sa pamaskong awitin na “Pasko Pa Rin”

Cha-cha Cañete, balik-recording sa pamaskong awitin na “Pasko Pa Rin”

- Isang pamaskong awitin ang handog ng dating child star na si Cha-cha Cañete

- Ang kanyang bagong single sa ilalim ng Star Music ay pinamagatang “Pasko Pa Rin”.

- Napapanahon ang kanyang awitin dahil sa pandemya, marami ang nawawalan ng pag-asa

- Si Cha-cha Cañete ay unang sumikat bilang isang TV commercial model noong siya ay bata pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bagong awitin ang handog ni Cha-cha Cañete na pinamagatang “Pasko Pa Rin”.

Ang nasabing awitin ay napapanahon dahil ito ay punong-puno ng pag-asa na kailangan lalo na sa kasalukuyan na marami ang nawawalan ng pag-asa dahil sa pandemya. Ang award winning composer na si Jungee Marcelo ang sumulat ng kanyang bagong awitin.

Masaya ang dating child star na makapagbahagi siya ng awitin tungkol sa totoong diwa ng pasko sa gitna ng mga hindi magandang nangyari.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media
Cha-cha Cañete, balik-recording sa pamaskong awitin na “Pasko Pa Rin”

thrishaluise_canete/Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilang pagbati ng netizens kay Cha-cha.

Congrats Chacha! Dati ang bulilit bulit sanay sa masikip lang kinakanta mo ngayon iba na.
I love the song at ang ganda ng music video. Congratulations, Cha!
Kinilig ako sa beat at sa meaning Ng song. Love it! Miss you ABS-CBN. Laban Lang mga Kapamilya

Si Cha-cha Cañete ay isang dating Goin' Bulilit star at unang sumikat bilang TV Commercial model ng isang sikat na real state company bago sumabak sa mundo ng showbiz.

Matapos niyang magpahinga sa pag-aartista, hindi tumigil si Cha-cha na pag-igihin ang talento at natuklasan ang husay niya sa pagkanta. Sa katunayan, noong 2012, nakapag-release si Cha-cha ng kanyang unang single na “Bakit o Bakit” sa edad na 7 taon.

G Tongi, muling bumwelta matapos sagutin ni Arnell Ignacio ang kanyang pahayag

Isa din siya sa kinatawan ng bansa sa World Championships of Performing Arts sa Los Angeles, California noong 2013 at sa Europop sa Berlin, Germany nitong 2014 kung saan nag-uwi siya ng karangalan.

Ang official music video ng kanyang awitin ay nailabas na at sa ilalim ng direksyon ni Tofie Runas ng Batcave Prod.

Isa si Cha-cha sa kalahok ng Tawag ng Tanghalan Celebrity edition sa It's Showtime. Marami ang humanga sa husay niya sa pagkanta sa nasabing patimpalak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel