Lalaking nawalan ng trabaho, naiyak at napadasal nang biglaang nakatanggap ng P3,000

Lalaking nawalan ng trabaho, naiyak at napadasal nang biglaang nakatanggap ng P3,000

- Viral ang larawan ng isang matandang lalaki na matapos na mawalan ng trabaho dahil sa pandemya ay napilitang mamalimos

- Lumalapit lamang siya sa mga tao sa simbahan upang magbaka-sakali na mayroong tutulong sa kanya

- Isang lalaki ang nagmalasakit at nabigyan siya ng P3,000 dahil ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon at nais na rin kasi niyang makauwi sa kanyang pamilya sa probinsya

- Sa sobrang tuwa, naiyak ang matandang lalaki at dumiretso ito sa simabahan para magpasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking nawalan ng trabaho, naiyak at napadasal nang biglaang nakatanggap ng P3,000

Photo from Dhagz Vergara Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng marami ang post ni Dhagz Vergara noong Nobyembre 4 kung saan nasaksihan niya kung paano natulungan ang isang matandang lalaki sa may simabahan ng Baclaran.

Nalaman ng KAMI na narinig umano ni Dhagz na kinakausap ng matandang lalaki ang isa pang lalaking naka-motor.

Pinaliwanag ng matanda na hindi naman daw talaga siya namamalimos. Nawalan lamang siya ng trabaho nang dahil sa pandemya.

Mayor Vico Sotto, aminadong naiilang tuwing pinasasalamatan siya ng mga Pasigeño

Nakiusap siya sa lalaking naka-motor kung maari siya nitong isabay hanggang monumento at mula roon ay maglalakad na raw siya pauwi sa kanyang pamilya na miss na miss na niya.

Ipinaliwanag din ng matanda na walang-wala na rin talaga siyang kapera-pera pamasahe pauwi at pangkain manlang sa araw-araw. Nanatili siya malapit sa simbahan upang magbaka-sakali na mayroon sa kanyang tutulong at upang makahingi raw ng gabay sa Panginoon.

Laking gulat ni Dhagz nang masaksihan ang nakakaiyak na tagpo kung saan hindi nagdalawang isip ang lalaki na magbigay ng P3,000 sa matanda.

"Good samaritan : (dumukot ng tatlong libo) ito tatay umuwi ka na daw sabi ni lord galing po sa knya yan instrumento lng ako mag iingat po kau ( sabay paalam at talikod sa matanda)," salaysay ni Dhagz.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kita raw sa mukha ng matanda ang pagkabigla at labis na nagpasalamat sa lalaking nagbigay ng biglaang biyaya.

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Aminado si Dhagz na sinundan pa niya ang matanda na dumiretso sa simabahan at talagang napaluhod at napaiyak sa kanyang pagdarasal.

Nang matapos daw itong magdasal, doon na niya nilapitan ang matanda para abutan din ng tulong.

Ngunit namangha si Dhagz nang tanggihan na ito ng matanda dahil sapat na raw ang kanyang natanggap.

" 'Wag na iho sobra sobra na itong natanggap ko para makauwi sa amin. Sobra itong binigay ng panginoon kumpara sa hinling ko sa knya na may maghatid sa akin kahit monumento lng sana. Marami mga tao ang nangangailan din ng tulong sa lugar na ito at ibahagi mo nlng sa kanila maraming salamat," paliwanag ng matanda.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabi natin na ang tanging magandang nangyayari ngayong pandemya ay ang pagtutulungan ng bawat isa.

Amang namatayan ng bunsong anak, umaasang buhay pa ang misis at isa pang anak

Sa panahong ito, mas lumitaw ang pagamalasakit natin sa isa't isa lalo na sa mga higit na nangangailangan ngayong marami ang nawalan ng hanapbuhay at lalong mas naging mahirap ang kanilang kalagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel