Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

- Matapos ibahagi ni Iwa Moto ang tungkol sa nangyari aksidente, marami umano ang nangamusta sa kalagayan niya

- Minabuti niyang idetalye ang nangyari sa kanya nang inaayos niya ang kanilang drone at bigla itong umandar

- Sinubukan niya umanong kunin ang drone ngunit tinamaan ang kanyang kamay ng propeller nito

- Malaki naman ang pasasalamat ng aktres na ligtas sila ng kanyang baby na kasalukuyang pinagbubuntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nabahala nang ibahagi ni Iwa Moto sa kanyang social media account ang litrato ng kanyang kamay na nagkasugat dahil sa isang minor accident sa bahay.

Dahil marami ang nag-alala para sa kanya, minabuti niyang ikwento ang nangyari. Aniya, inaayos niya ang drone nila nang bigla itong umandar. Sinubukan niyang kunin ito dahil sa nakakasira na ito ng mga gamit nila.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Instagram/@iam_iwa
Source: Instagram

Hindi daw niya alam kung may napindot siya doon kaya bigla na lang umandar.

Bianca Gonzalez, nagbigay ng payo sa kagaya niyang may acne problems

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinamaan ng propeller ang kanyang kamay kaya nasugatan siya. Dahil sa dami ng dugo, nataranta umano siya at sumugod na sa ospital.

Malaki naman ang kanyang pasasalamat na ligtas siya pati na rin ang kanyang pinagbubuntis. Nasa kanilang farm umano si Pampi nang mangyari iyon sa kanya.

“There was so much blood so I panicked and started having contractions. I was so scared for my baby so I rushed myself to the hospital. Pampi then followed me (He was at our farm),”
Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Instagram/@iam_iwa
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito.

Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

Kasalukuyang pinagbubuntis niya ang pangalawang anak nila ni Pampi Lacson. Si Pampi ay may anak din kay Jodi Sta. Maria.

Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Maging ang anak ni Pampi at Jodi na si Thirdy ay malapit din kay Iwa. Marami ang natuwa sa sweet na Birthday message ni Iwa para sa stepson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel