Mr. Fu, pinasalamatan si Cristy Fermin sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya

Mr. Fu, pinasalamatan si Cristy Fermin sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya

- Pinasalamatan ni Mr. Fu si Cristy Fermin dahil sa ginawa umano nito para sa kanya

- Matatandaang marami ang nawindang sa rebelasyon ni Cristy Fermin sa kanyang radio show

- Ito ay kaugnay sa pag-ayaw umano ni Kris Aquino na makasama si Mr. Fu sa kanilang talk show

- Hindi pa nagbigay ng pahayag tungkol sa isyung ito ang kampo ni Kris simula nang isiwalat ni Fermin ang sama ng loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ni Mr. Fu si Cristy Fermin dahil sa ginawa umano nitong pagtatanggol sa kanya sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya.

Nakatakda sanang gumawa ng online show sina Kris Aquino, Lolit Solis, Cristy Fermin pati na rin si Mr. Fu.

Gayunpaman, kinasama ng loob ni Cristy ang nabasa niyang mensahe ni Kris para kay Lolit Solis na nagsasabi umanong ayaw nito makasama si Mr. Fu dahil hindi niya umano ito kilala at hindi nila ka-level.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, paliwanag ni Lolit, hindi lang komportable si Kris kay Mr. Fu kaya may grace period muna umano siya na [apat] na episodes.

Hindi na dapat umano pagmulan ng sama ng loob ang nangyari dahil show lamang ito at nagpapasalamat umano siya na nag-reach out sa kanila si Kris Aquino matapos siyang ma-offeran ng show.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Mr. Fu kung paano siya tinulungan ni Cristy at maraming beses na umano siya nitong pinagtanggol kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kanya.

Mr. Fu, pinasalamatan si Cristy Fermin sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya

Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega/Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mr. Fu o si Jeffrey Espiritu sa totoong buhay ay isang Filipino radio and television personality. Sumikat siya bilang isang radio DJ sa 91.5 Win Radio at sa 103.5 Wow FM pati na sa 106.7 Energy FM.

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Matapos maglabas ng sama ng loob si Cristy laban kay Kris Aquino, sinabi nitong magdidildil na lamang siya ng asin kaysa piliing makatrabaho si Kris.

Maging si Vice Ganda ay binatikos din ni Cristy kaunay sa biro ni Vice kaugnay sa mga Kapamilyang lumipat ng estasyon.

Naghayag din ng sama ng loob ang showbiz reporter sa ibang mga kasamahan dati sa ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel