Lolit Solis, pinagtanggol si Arnell Ignacio sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Lolit Solis, pinagtanggol si Arnell Ignacio sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

- Nagbahagi ng kanyang opinyon ang entertainment news writer na si Lolit Solis kaugnay sa patutsadahan ng mga artista sa social media

- Matatandaang naglabas ng kanyang pagkadismaya si Angelica Panganiban kaugnay sa tila kawalan ng plano ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng bagyong Rolly

- Kasunod nito ay nagsalita si Arnell Ignacio tungkol sa paglalabas ng saloobin ng mga kasamahan niyang artista

- Inalmahan naman ng dating aktres na si G Tongi ang naging pahayag ni Arnell tungkol sa pagkakaroon umano ng mahinang ulo ng ilang artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Parami nang parami ang nasasangkot sa bangayan ng mga artista na nagsimula nang maghayag ng pagkadismaya si Angelica Panganiban kaugnay sa tila kawalan ng plano ng pamahalaan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Rolly.

Lolit Solis, pinagtanggol si Arnell Ignacio sa gitna kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Photo from Lolit Solis' Instagram account
Source: Instagram

Kasunod nito ay ang paglabas ng saloobin ni Arnell Ignacio tungkol sa mga artista na tinawag niyang mahina ang ulo.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena
Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo... na stereoyped kung baga. Nakaka sama nga ng loob noon ...pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh.me yabang pa nga sa katangahan e"

Hindi naman pinalampas ng dating aktres na si G Tongi ang pahayag na ito ni Arnell.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram post, tinawag ni Lolit Solis na starlet si G. Tongi.

Nagkaka gulo na naman sa showbiz dahil sa palitan ng mga opinyon Salve. Iyon mga opinyon nila Agot Isidro at Angelika Panganiban, at iyon naman sa panig ni Arnell Ignacio. Nakisali pa ang isang starlet na naka base sa US si G'Toengi.

Paalala ni Lolit, dapat respetuhin ang bawat opinyon dahil karapatan ito ng bawat isa. Pinuna niya ang sinabi ni Agot Isidro na kung magpapadala ng tulong si Mark Ruffalo dapat sa office ni VP Leni Robredo ipadala.

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Aniya hindi maganda na parang pinapakita natin sa ibang lahi ang kawalan ng pagkakaisa.

Dagdag pa niya, dapat ay hindi nakikialam si G Tongi sa problema sa bansa dahil hindi naman umano nito personal na nakikita ang sitwasyon.

Si G'Toengi nasa US na , duon na niya pinili mag stay, so makialam siya sa problema kung nandito siya at personal na nakikita, hindi iyon long distance observation, iyon bali balita lang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lolit Solis ay kilalang entertainment news writer. Kadalasan ibinabahagi niya ang kanyang opinyon hinggil sa mga pangyayari sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Kamakailan ay pinagtanggol ni Lolit si Kris Aquino kaugnay sa naging pahayag ni Cristy Fermin laban sa TV host.

Nabahala din siya sa napapabalitang red-tagging umano kina Angel Locsin at Liza Soberano.

Arnell Ignacio, sinagot ang patutsada ni G Tongi laban sa kanya

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel