Pauleen Luna at Vic Sotto, pinagdiriwang ang 9th anniversary ng kanilang relasyon

Pauleen Luna at Vic Sotto, pinagdiriwang ang 9th anniversary ng kanilang relasyon

- Isang matamis na pagbati ang ibinahagi ni Pauleen Luna para sa asawang si Vic Sotto

- Ito ay sa kanilang paggunita sa kanilang ika-9 na anibersaryo bilang magkarelasyon ngayong araw, November 7

- Kalakip ng kanyang taos-pusong pagbati ay ang mga litrato nilang mag-asawa

- Matatandaang pinagdiwang nila ang kanilang ika-4 na Wedding Anniversary nitong January, 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang taos-pusong pagbati ang ibinahagi ni Pauleen Luna para sa kanyang asawang si Vic Sotto upang gunitain ang kanilang ika-9 na taon bilang magkarelasyon.

Bukod sa kanyang pagbati, ibinahagi din ni Pauleen ang ilang litrato nilang mag-asawa.

Ayon kay Pauleen, maituturing niyang mahalagang dekada ng kanyang buhay ang kanilang pagsasama at tila kailan lang nang tawagan siya umano ni Vic sa unang pagkakataon.

9 years! I still can't wrap my head around the fact that we've been together for almost a decade! The most eventful decade of my life and definitely the happiest as well. Your first phone call to me seems like it was just yesterday!
Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

Pinasalamatan ni Pauleen ang asawa sa pagbigay umano nito ng kahulugan sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pauleen Luna at Vic Sotto, pinagdiriwang ang 9th anniversary ng kanilang relasyon

Vic Sotto (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sa isa pang litrato ni Vic ang ibinahagi ni Pauleen kung saan ibinida nito ang kapogian ng kanyang mister.

Just look at that beautiful face. Ano ba... wag mo ako tignan ng ganyan!!

Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s. Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses. Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin.

Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa noontime show sa Kapuso, ang ‘Eat Bulaga,’ at may isa silang anak. May dalawa pang anak si Vic na sina Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes, at si Paulina Sotto, ang anak nya kay Angela Luz.

G Tongi, muling bumwelta matapos sagutin ni Arnell Ignacio ang kanyang pahayag

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nitong Biyernes, November 6, pinagdiwang nila ang ika-3 kaarawan ng kanilang anak na si Talitha.

Kinagiliwan ng manonood si Tali na palagi na ring lumalabas sa Eat Bulaga. Ipinaliwanag naman ni Vic kung bakit napapadalas na napapasama ang anak kapag nagho-host siya sa Eat Bulaga!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel