Kris Aquino, aminadong nakitira kay Willie Revillame ng mahigit 2 buwan

Kris Aquino, aminadong nakitira kay Willie Revillame ng mahigit 2 buwan

- Aminado ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino na nakitira siya kay Willie Revillame

- Ito ay naganap sa kasagsagan ng paghihigpit sa pagbibiyahe dahil na rin sa panganib na dulot ng COVID-19

- Ayon sa TV host, inabot ng mahigit 2 buwan ang kanilang pamamalagi sa resort ni Willie sa Puerto Galera

- Nilinaw niyang sa yate sila tumira kasama ng mga anak niya samantalang si Willie ay sa sariling bahay tumutuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Kris Aquino na nakitira siya kay Willie Revillame ng mahigit 2 buwan dahil inabutan sila ng lockdown kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Sa isang panayam ng Philstar.com, nilinaw ni Kris ang ilang detalye ng kanilang pagnanatili sa yate ng TV host sa kanyang resort sa Puerto Galera.

Lolit Solis sends condolences to Angeline Quinto in post about singer’s Mama Bob

“I haven’t worked with him. I lived with him. Okay, that sounds wrong! Wait! I’ll correct it! Nakitira kami sa kanya,” paglilinaw niya.

Kris Aquino, aminadong nakitira kay Willie Revillame ng mahigit 2 buwan

Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega/Getty Images)
Source: Getty Images

Binunyag niya rin na halos hindi sila nagkakasama ni Willie dahil laging abala ito at siya naman ay madaming binabasang libro.

“We stayed in his yacht. He stayed in his house. We are very opposite in the sense that he needs to be constantly in motion, he needs to be constantly moving. He doesn’t like wasting a moment. And then he said, ‘Bakit ikaw the person goes back to you after 48 hours and you’re still there?’ And I said, ‘Yeah, because I like reading. I think I’m the ultimate nerd. When I’m not working, I like to save my voice so that I can read 10 books – legal thrillers, women detectives, biographies, autobiographies.”

Matatandaang sa kanyang YouTube channel ay Ipinasilip ni Kris sa pamamagitan ng isang mini tour ang yate na pag-aari ng Wowowin host.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, naibahagi ni Kris sa social media na hindi sila makakauwi kaagad sa Maynila dahil inaayos pa ang kanilang bahay kaya napagpasyahan nilang manatili sana sa Boracay.

Gayunpaman, nagkaroon sila ng medical emergency kaya humingi siya ng tulong sa kaibigang si Willie.

Sinundo sila ng chopper at inihatid sa resort kung saan sila namalagi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris ang bagong endorder ng Shopee at nakatakdang mag host sa 11.11 event ng nasabing platform na ipapalabas sa GMA-7.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

G Tongi, muling bumwelta matapos sagutin ni Arnell Ignacio ang kanyang pahayag

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila ng pananabik ng kanyang tagahanga na muli siyang mapapanood sa telebisyon, nagkaroon ng panibagong isyu sa nakatakda sana niyang talk show kasama sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Nilinaw ni Lolit Solis na hindi lamang nagkaunawaan ang kampo nila Kris Aquino at Cristy Fermin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel