Alex Gonzaga, sinorpresa si Mommy Pinty sa kaarawan nito

Alex Gonzaga, sinorpresa si Mommy Pinty sa kaarawan nito

- Marami ang naaliw sa pang-gu-good time ni Alex Gonzaga sa kanyang inang si Mommy Pinty

- Para sa kaarawan nito, naisipan ni Alex na sorpresahin ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagbigay ng mga bagay na alam niyang gusto ng ina

- Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa trabaho, hindi kinaligtaan ni Alex na gawan ng paraan upang mapadama sa kanyang ina ang kanyang pagmamahal

- Nagbigay din ng kanya-kanyang mensahe ang buong pamilya kabilang na ang kanilang mga kasambahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Abala man sa kanyang trabaho, ginawan ng paraan ni Alex Gonzaga na mapasaya ang kanyang inang na kilala sa online world sa tawag na Mommy Pinty.

Sa pamamagitan ng pagtawag lamang sa hotline number ng isang sikat na shopping mall, naipamili niya ng mga regalo ang kanyang ina. Gayunpaman, naisipan niyang gulatin ang ina sa pamamagitan ng pagbili ng mga laruang insekto at daga.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena
Alex Gonzaga, sinorpresa si Mommy Pinty sa kaarawan nito

Alex Gonzaga (flickr.com/photos/tillyholland/16081296977)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kasintahang si Mikee Morada ay naroon din sa kanilang pagdiriwang.

Nang ibigay na ang mga regalo, hindi maitago ni Mommy Pinty ang tuwa dahil alam umano ni Alex ang mga bagay na gusto niya.

Pinakahuling binigay ni Alex ang kahon na naglalaman ng mga laruang ipis at daga. Nagulantang ang kanyang ina nang makita ang laman niyon.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa mga mensahe para kay Mommy Pinty. Kabilang sa bumati sa kanya ay sina Toni, Paul at anak nilang si Seve. Maging ang mga kapatid at ama ni Mommy Pinty ay malaki ang pasasalamat sa kanya dahil hindi nito pinabayaan ang mga kapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Kamakailan ay ibinahagi ni Alex na nagpositibo sila ng kanyang mga magulang sa COVID. Ipinaliwanag din niya ang sanhi ng kanilang pagkahawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel