Bibong bata, binisto ang nanay na nagsasagot ng kanyang mga module

Bibong bata, binisto ang nanay na nagsasagot ng kanyang mga module

- Viral ang nakakaaliw na video ng batang vlogger tungkol sa mga nangyayari sa kanila ng kanyang ina tuwing nagsasagot siya ng kanyang module

- Binisto niya ang ina na umiinit ang ulo tuwing binubuksan pa lamang ang envelope na naglalaman ng module

- Nabanggit din niyang ang mama niya na mismo ang nagsasagot ng modules niya kaya naisip niyang baka maging honor student ito

- Kaya naman sa susunod na magsasagot daw sila'y sasabihin niyang siya na mismo ang magsasagot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bibong bata, binisto ang nanay na nagsasagot ng kanyang mga module

Photo from Bornok Ismali Facebook page
Source: Facebook

Maraming netizens ang naaliw sa bagong video ng batang vlogger na si Bornok Ismali.

Nalaman ng KAMI na ibinuking niya ang kanyang ina na siyang nagsasagot ng kanyang mga module.

Ikinuwento rin ni Bornok na tila may "power" daw ang modules. Tuwing bubuksan pa lamang daw niya kasi ito ay para na agad siyang inaantok.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Napansin din niyang nakakainit din daw ito ng ulo. Sa tuwing magsasagot na raw kasi siya nito sa tulong ng kanyang ina ay agad na itong namumula. Di magtatagal at sasabog na raw ito sa galit kung mayroon siyang hindi masagot.

Higit sa lahat, naikwento rin ni Bornok na madalas na ang nanay na niya ang nagsasagot ng module.

Dahil dito, naisip niyang baka ang kanyang ina na ang maging honor student dahil dito.

"Eleven lang di mo matandaan, ako na magsasagot, Pero naisip ko sir baka si mama ang maging honor," ang makulit na sinabi ni Bornok.

Naisip din niyang dapat daw na pangit ang sulat ng kanyang mama sa pagsasagot upang hindi mahalata ng kanyang teacher na hindi siya ang nagsasagot.

"Ma, di ga'y 'pag magsasagot ng module ay ako na, baka ikaw ang maging honor!" ang sasabihin daw ni Bornok sa kanyang ina sa susunod na magsasagot sila ng modules.

Iwa Motto, nagpasalamat na ligtas sila ng pinagbubuntis matapos ang minor accident

Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ni Bornok Ismali:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 5 nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Mayroong iba't ibang learning modalities na pwedeng pagpilian ang mga estudyante gayung hindi pa sila makapapasok sa mismong paaralan.

Bukod online classes, isa ang ang pamamahagi at pagsasagot ng mga learning modules lalo na sa mga estudyanteng walang internet access sa kanilang tahanan.

Ilang mga estudyante at mag-aaral naman ang umalma sa dami ng mga pinagagawa sa module subalit agad itong tinugunan ng Kagawaran ng Edukasyon at sinabing bawasan ang mga ipinagagawa sa mga mag-aaral na nakararanas na umano ng stress.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel