Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

- Ibinahagi ni Kris Aquino ang tungkol sa pagkaudlot ng kanyang endorsement shoot kamakailan

- Ito ay dahil sa pagpopositibo sa COVID-19 ng kanyang driver na hindi naman niya direktang nakahalubilo

- Paliwanag ni Kris, ang minamaneho nito ay ang isa pa nilang sasakyan na ginagamit upang ihatid at sunduin ang teacher ni Bimby at iba pa niyang staff

- Gayunpaman, naudlot ang kanyang endorsement shoot dahil sa pagsama ng kanyang pakiramdam matapos makaranas ng ilang sintomas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kris Aquino na sumailalim siya at ang kanyang buong staff sa PCR testing dahil nakatakda siyang gumawa ng isang TV commercial nitong November 3.

Kinagulat nila nang mapag-alaman na isa sa kanyang driver ay nagpositibo sa COVID-19. Hindi umano niya ito direktang nakahalubilo dahil ang kanyang minamanehong sasakyan ay ginagamit upang pangsundo at panghatid sa guro ni Bimby. Ito rin umano ang tagasundo sa mga staff mula sa kanilang mga bahay.

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto
Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega/Getty Images)
Source: Getty Images

Dahil sa nangyari, inabisuhan na lamang ang kliyente at hindi natuloy ang pre-shoot recording. Sumailalim din umano ang buong team ng host sa antigen test at negatibo ang naging resulta sa mga tests na ginawa sa kanila.

Ika-5 ng Nobyembre nang mag-umpisang makaranas ng dry cough, sore throat at sakit ng ulo si Kris.

That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache. I slept early and told myself, everyone would be in full PPE & N95 masks- kakayanin namin... i woke up still coughing, with sinus congestion, a persistent headache and fatigue. We did my hair & makeup & proceeded to the studio.

Tumaas ang blood pressure niya sa 150/100 at nawalan din umano siya ng boses dahil sa labis na pag-uubo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bianca Gonzalez, nagbigay ng payo sa kagaya niyang may acne problems

Sa kabutihang palad, negatibo ang naging resulta ng PCR test sa kanila. Kailangan pa nilang muling sumailalim sa isa pang test sa ika-10 ng Nobyember upang masiguradong ligtas sila mula sa COVID.

Nakabukod siya sa kasalukuyan sa kanyang mga anak para na rin sa kaligtasan nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa kabila ng pananabik ng kanyang tagahanga na muli siyang mapapanood sa telebisyon, nagkaroon ng panibagong isyu sa nakatakda sana niyang talk show kasama sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na anniversary message para sa misis

Nilinaw ni Lolit Solis na hindi lamang nagkaunawaan ang kampo nila Kris Aquino at Cristy Fermin.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel