67-anyos na bride at 56-anyos na groom, lumusong sa putikan matuloy lang ang kasalan

67-anyos na bride at 56-anyos na groom, lumusong sa putikan matuloy lang ang kasalan

- Marami mang naging hadlang ngunit natuloy din ang kasalan ng 67-anyos na bride at 56-anyos na groom

- Inakala talaga nilang hindi na matutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib lalo na at pandemya

- Napag-alaman pa ng bride na walang baptismal certificate ang aasawahin na isa pa nilang pinroblema

- Nang maayos ang lahat, inulan naman ang mismong kasalan nila kaya naman napilitan silang lumusong sa putikan

67-anyos na bride at 56-anyos na groom, lumusong sa putikan matuloy lang ang kasalan

Photo from Kapuso mo, Jessica Soho Facebook page
Source: Facebook

'Perfect timing' pa rin ang pag-iibigan nina "Dodot" at "Delfa" na kahit na may edad na, natuloy pa rin ang pag-iisang dibdib.

Nalaman ng KAMI na 67-anyos na si Delfa habang 56-anyos na man si Dodot.

Sa kabila ng edad, matinding panunuyo raw ang ginawa ni Dodot makuha lamang ang matamis na oo ni Delfa.

At dahil sa ramdam naman nilang sila ang para sa isa't isa lalo na at pareho naman silang single, nagdesisyon na silang magpakasal.

Subalit tila sinubok pa rin sila ng panahon dahil bigla namang nagkaroon ng pandemya.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Dahil dito, unti-unting lumalabo ang kanilang plano lalo pa at nadadalas ang kanilang pag-aaway.

Nagagalit umano si Delfa dahil sa nadadalas ding pag-inom ni Dodot.

Subalit tila mga pagsubok lamang ito sa kanilang pagsasama at desidido pa rin silang ituloy ang pag-iisang dibdib.

Habang naghahanda ng mga papeles, nalaman ni Delfa na wala pa pala umanong baptismal certificate si Dodot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inakala nilang mauudlot pa rin talaga ang kanilang kasalan. Ngunit dahil sadya nga yata silang itinadhana at nagawan naman ito ng paraan para matuloy ang pag-iisang dibdib.

At sa kanilang mismong kasal, muli na naman silang sinubok at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Dahil dito, napilitan sina Dodot at Delfa na lumusong sa baha kahit na nahuli sila ng kaunti sa itinakdang oras ng kanilang pag-iisang dibdib.

Kaya naman payo nila sa mga single pa rin at may edad na, maaring hindi pa rin huli ang lahat at maaring mahanap pa rin nila ang itinadhana para sa kanila.

Anak ng call center agent, ibinahagi ang huling sandali ng amang pumanaw sa trabaho

Narito ang kabuuan ng video mula sa Kapuso mo, Jessica Soho na binahagi rin ng Vargaga YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami pa rin sa ating mga kababayan na sa kabila ng pandemya ay nagagawa pa ring ituloy ang kasalan.

Tulad nina Dodot at Delfa, mayroon ding bride at groom na lumusong naman sa rumaragasang tubig makatawid lamang at makarating sa simbahan.

Maging ang mga abay nila ay nagsitawid na rin sa tubig baha, maituloy lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong alam nilang nagmamahalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel