Anak ng call center agent, ibinahagi ang huling sandali ng amang pumanaw sa trabaho

Anak ng call center agent, ibinahagi ang huling sandali ng amang pumanaw sa trabaho

- Viral ngayon ang post ng anak ng isang call center agent na inatake sa puso habang naka-duty sa trabaho

- Kakaiba raw ang araw na iyon dahil hindi talaga nag-break para kumain at umidlip ang ama dahil sa wala pa umano itong benta

- Nasa training bilang sales agent ang ama na ang huling nabitawang mga salita ay "Ma, wala akong benta, wala akong benta"

- Magsilbing aral daw ito sa lahat ng nagha-hanapbuhay at maging sa mga kompanya na sana raw ay matutong pahalagahan ang kalagayan ng kanilang mga empleyado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak ng call center agent, ibinahagi ang huling sandali ng amang pumanaw sa trabaho

Photo from Angelica Cuizon Pineda
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang viral post ni Angelica Cuizon Pineda, anak ng isang call center agent na idinetalye kung paanong bigla na lamang nawala ang ama sa kalagitnaan ng kanyang trabaho.

Nalaman ng KAMI na 49-anyos na ang ama ni Angelica na bumalik sa training ng pinapasukang business process outsourcing (BPO) at sa sales account ito napunta.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Nang araw na iyon, napansin nilang hindi manlang nag-break ang ama sa 11am hanggang 8am na shift nito.

Dati raw kasi, kumakain manlang ito o umiidlip sa kalagitnaan ng trabaho.

Hanggang sa nakarinig na lamang sila ng malakas na salita ng ama na inakala na ng kanyang ina na hindi na normal.

Ngunit hindi nagtagal, humihingi na pala ito ng saklolo dahil hindi na maganda ang pakiramdam.

"Ma wala akong benta, wala akong benta," ang huling nasambit ng ama bago nila ito napagdesisyunang dalhin na ospital. Inatake na pala ito sa puso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinubukan pa umanong pakalmahin ng ina ni Angelica ang ama nito ngunit napansin nilang kailangan na itong malapatan ng paunang lunas sa ospital.

Sa kasamaang palad, walang ambulansya o anumang sasakyan sa kanilang barangay na maaring magdala sa ama sa ospital.

Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

Kaya nagtiyaga ang ina na isakay na sa tricycle ang mister niyang nanigas na bago pa man sila makarating sa ospital at tuluyan nang pumanaw.

"Yan po ang computer table ni papa. We can't even look at it kasi naalala namin kung paano siya dumuty at diyan siya inatake," ang bahagi ng caption ni Angelica sa larawan ng workstation ng ama bago ito pumanaw.

Nilinaw niyang hindi niya sinisisi ang pinasukang kompanya ng ama subalit magsilbing aral daw ito na magkaroon pa rin ng pagmamalasakit sa mga empleyado na mayroon ding mga pamilyang binubuhay kaya sila nagtatrabaho.

Narito ang kabuuan ng emosyonal na post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maituturing na isa sa mga naging matatag na trabaho ngayong pandemya ang mga call centers o BPO sa bansa.

Kasalukuyang naka-work from home pa rin ang karamihan ng kanilang mga empleyado na patuloy pa rin ang kumikita.

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng oportunidad na ito na kahit nasa bahay ay patuloy pa ring nakapagtatrabaho, mayroong ilan na mas lalong na-stress at nahirapan sa kanilang ginagawa masuportahan lamang ang kani-kanilang mga pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel