Kuya Wil, tuwang-tuwa sa Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

Kuya Wil, tuwang-tuwa sa Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

- Nakarating na kay Willie Revillame ang larawan niya at ng isang Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

- Ito ay matapos na mag-viral ang isang meme na kung saan ipinagtabi ang larawan ng dalawa na magkahawig

- Sa kanyang programang 'Wowowin' nagbigay ng reaksyon si Willie tungkol sa larawan at tuwang-tuwa siya nang makita ito

- Sumang-ayon pa siyang kamukha nga niya ito lalo na raw kung ibabalik niya ang dati niyang buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kuya Wil, tuwang-tuwa sa Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

Photo: Willie Revillame's Facebook
Source: Instagram

Tuwang-tuwa si Willie Revillame nang makarating na sa kanya ang nag-viral na larawan ng Korean actor na si Kwon Sang-woo na sinasabing kamukha raw ito.

Nalaman ng KAMI na isang post ang kumakalat ngayon sa social media kung saan ipinagtabi ang mukha ng Korean actor at ni 'Kuya Wil' dahil sa hawig daw ang dalawa.

Super Tekla, masayang nagpakatotoo sa pagbisita ni Iyah Mina sa kanya

Dahil dito, nabigay ng reaksyon si Willie dahil marami raw ang pabirong nagtatanong kung siya ba ang nasa Koreanovela.

“May nanggagaya ho sa ‘kin. Ini-iscam 'yung mukha ko. Isipin niyo isang Koreano ginaya ako!” pabirong sabi ni Willie.

At nang i-flash sa kanilang screen ang larawan ni Kwon Sang-woo, mas lalong natuwa si Willie at sinabing "Ako ba yan?"

“Kamukha ko nga ano, oppa,” dagdag pa ng Wowowin host.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kay Willie, mas lalo raw niya siguro itong makakmukha kung ibabalik niya ang dati niyang buhok.

Painapaulit ni Willie na ipakita ang larawan at tuwang-tuwa itong pinagmamasdan habang kinakantsawan na siya ng mga kasama niya sa studio at sinasabing "Mas pogi pa rin si Kuya Wil!"

Kuha ang 'screenshot' mula sa Korean drama na Delayed Justice. Unang nakilala si Kwon Sang-woo sa patok na Koreanovela sa Pinas na 'Stairway to Heaven' bilang si "Cholo".

Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa Wowowin:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang TV host at aktor sa bansa. Mas lalong napalapit ang puso niya sa mga Pinoy dahil sa kanyang mga novelty songs at siyempre, sa pagtulong niya sa mga kababayan nating kapos-palad.

Ilang mga caller niya sa Wowowin ang kanyang agad na natulungan lalo na ngayon na matindi ang dagok ng krisis na dala ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel