85-anyos na ina, di umano'y tinapunan ng anak ng pagkain ng baboy

85-anyos na ina, di umano'y tinapunan ng anak ng pagkain ng baboy

- Viral ang larawan ng isang matanda na tinapunan di umano ng pagkain ng baboy ng kanyang sariling anak

- Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan ng matanda na mayroon pang bakas ng itinapon sa kanya ng anak

- Pinaghaharap di umano ang anak nitong lesbian na siyang gumawa nito sa matanda

- Ayon sa ilang netizens, maling-mali ang ginawa ng anak sa ina kahit pa ikatwiran pa raw nito na may kasalanan din ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

85-anyos na ina, di umano'y tinapunan ng anak ng pagkain ng baboy

Photo from Willie Damasco's Facebook
Source: Facebook

Kumurot sa puso ng mga netizens ang larawan ng isang matanda na tinapunan di umano ng pagkain ng baboy ng kanyang sariling anak.

Nalaman ng KAMI na 85- anyos na ang ina na makikita sa mga larawan na mayroon pa rin bakas ng itinapon sa kanya ng anak.

Ayon sa nag-post na si Willi Damasco, isang tomboy daw ang anak ng matanda na nagawang sabuyan umano ito ng pagkain ng baboy sa kanyang katawan.

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

Base pa sa ilang mga komento ng mga netizens na nakakita na ng naturang post, maling-mali ang ginawa ng anak sa kanyang anak at litaw na litaw ang kawalan ng respeto niya rito.

Kahit pa ikatwiran ng anak na may hindi rin magandang nagawa sa kanya ang ina, hindi raw nararapat na humantong sa ganoong pambabastos ang ginawa nito.

Kasalukuyang hinahanap ang anak na gumawa nito sa ina niyang may edad na, kaya naman nais na ipakalat ang naturang post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Nakakadurog ng puso. Pasalamat sya at pinupuntahan sya ng nanay niya."
"Bakit ganyan ginawa? Magulang mo yan nakakaawa mahalin at igalang ang magulang habang nabubuhay sila.ako malungkot ako kasi wala na akong nanay at tatay."
"Kawawa naman si lola..walang kwentang anak tumboy nayan..dapat yan ipakulong"
Principal sa Aklan, hinangaan dahil nagmistulang construction worker sa pag-aayos ng paaralan
"Napaka-walang kwenta anak mo nanay kawawa ka naman, maliit pa sila ayaw madapuan ng langaw ngayon ganunin ka nalang ng anak mo"
"Sabihin na nating hindi natin alam ang buong kwento at baka may ginawa rin si nanay, ppero ina pa rin siya. Hindi siya dapat ginanyan ng anak niya bilang respeto sa nagluwal sa kanya sa mundong ito"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na mayroong mga anak na nasikmurang gawin ito sa kanilang sariling ina habang ang iba naman ay labis na nagdadalamhati dahil nawala na ang kanilang mahal sa buhay.

Ang ibang magulang naman ay pilit na naghahanapbuhay para sa kanilang anak mabigyan lamang ito ng magandang buhay.

Magsilbing aral nawa ang pangyayaring ito sa bawat isa sa atin na sa anumang sitwasyon, huwag nating aalisin ang respeto sa ting mga magulang. Minsan din silang nagpakahirap at nagsakripisyo para sa atin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel