Super Tekla, masayang nagpakatotoo sa pagbisita ni Iyah Mina sa kanya

Super Tekla, masayang nagpakatotoo sa pagbisita ni Iyah Mina sa kanya

- Ibinahagi ng komedyanteng si Iyah Mina ang video ng pagbisita niya sa kaibigang si Super Tekla

- Dinalhan pa niya ng mga gamit sa bahay ang kaibigan para mapasaya rin ito sa kanyang pinagdaraanan

- Masayang nagkaroon sila ng 'real talk' ni Tekla tungkol sa mga natutunan nila sa nangyari at doon masasabing unti-unti na raw itong nakakabangon

- Muling nagpasalamat si Tekla sa mga taong sumuporta at naniwala pa rin umano sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super Tekla, masayang nagpakatotoo sa pagbisita ni Iyah Mina sa kanya

Super Tekla (Photo from Super Teklah Librada's Facebook)
Source: Facebook

Isa ang komedyanteng si Iyah Mina sa mga sumadya kay Super Tekla upang ito ay kumustahin sa matapos ang kinaharap na kontrobersya.

Nalaman ng KAMI na isa si Iyah sa malalapit na kaibigan ni Tekla. Marami-rami na rin kasi ang nagtatanong sa komedyante kung ano raw umano ang ginagawa nito sa panahong may pinagdaraanang pagsubok ang kaibigan.

MUP 2020 Rabiya Mateo, muling pinatunayan ang husay sa pagsagot sa mga tanong

Kaya naman ngayon, na para sa kanya'y tamang panahon para bisitahin at kumustahin ang kaibigan ay pinuntahan na niya ito.

Dinalhan na rin niya si Tekla ng ilang mga kagamitan sa bahay para makadagdag sa mga 'bago' sa buhay nito.

Ito raw ang nakita niyang paraan para madamayan ang kaibigan sa pinagdaraanang pagsubok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagkaroon din sila ng kwentuhan at sinabi nilang "real talk" ito dahil sa mga bagay na natutunan nila at napagtanto dahil sa nangyari.

Masasabi rin daw ni Iyah na unti-unti nang nagiging ok ang kaibigan dahil sa nakakangiti na ito at nakikipagkulitan na rin.

Nilinaw niyang kinumusta naman niya agad si Tekla lalo na noong kasagsagan ng isyu taliwas sa iniisip ng iba na hindi raw niya ito dinamayan.

Muling nagpasalamat si Tekla kay Iyah at sa iba pang mga sumuporta at nanatili sa kanyang tabi sa panahong siya ay pinagsukluban ng matinding kontrobersiya.

Makagwapo, naging emosyonal sa huling paghaharap nila ni Makaganda sa barangay

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube Channel ni Iyah Mina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang ibagsak ni Michelle Lhor Bana-ag ang akusasyon niya ng pambababoy at pang-gigipit umano sa kanya ng dating live-in partner na si Super Tekla.

Nagkaroon na rin naman agad ng kasunduan ang dalawa na patungkol na lamang sa suporta ni Tekla sa kanilang anak na si Baby Angelo.

Matapos din ang makailang beses na panayam ni Raffy Tulfo kay Bana-ag, umatras na rin ito sa tulong na ibibigay sana niya sa pamilya nito sa paghihinalang gumagamit pa rin ng ipinagbabawal na gamot ang dating kinakasama ni Tekla dahil sa biglang pagbawi nito ng sinabi niyang magpapa-drug test at lie detector test pa sana siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel