Principal sa Aklan, hinangaan dahil nagmistulang construction worker sa pag-aayos ng paaralan

Principal sa Aklan, hinangaan dahil nagmistulang construction worker sa pag-aayos ng paaralan

- Hinangaan ang isang principal sa Aklan na inabot na ng gabi sa pag-aayos ng bahagi ng kanilang paaralan

- Nag-viral ang kanyang larawan ng kuha ng kanyang anak dahil nakalimutan na umano nitong maghapunan matapos lamang ang hagdan ng eskwelahan

- Nagpasalamat ang punongguro sa mga papuring natanggap at alam daw niyang marami pa sa Kagawaran ng Edukasyon ang mas may higit na kabayanihang nagawa para sa mga kabataan

- Ang pagkilala rin sa kanyang nagawa para sa kanilang paaralan ay magsisilbi rin daw na inspirasyon upang ipagpatuloy din ang dedikasyon sa kanyang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Principal sa Aklan, hinangaan dahil nagmistulang construction worker sa pag-aayos ng paaralan

Photo from Jose Elvis Michelet Lumbo's Facebook
Source: Facebook

Umani ng papuri ang pricipal ng Habana Integrated School sa Aklan na si Elmer Lumbo.

Nalaman ng KAMI na siya ang punongguro na nasa viral post kung saan makikita na nagmistula itong construction worker, matapos lamang ang hagdan ng pinamumunuan niyang paaralan.

Inmate, matiyagang tinuturuan ang limang taong gulang na anak sa 'e-dalaw'

Ayon kay Sir Elmer, kuha ang larawan ng kanyang anak na si Jose Elvis Michelet Lumbo. Naabutan siya umano nito sa paaralan na kahit gabi na ay tinatapos pa rin ang bahagi ng eskwelahan.

Ayaw sanang pumayag ng punongguro na ibahagi ang mga larawan ngunit paliwanag ng kanyang anak nagpapakita raw kasi ito ng pagiging positibo sa buhay kaya nararapat lamang na maipakita.

Sa kanya mismong Facebook post ay taos-pusong nagpasalamat si Sir Elmer sa lahat nang naka-appreciate sa kanyang nagawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"I pretty well know that there are plenty of colleagues in the Deped commumity accross the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a "chunk of a fraction" ang bahagi ng kanyang post.

Dahil sa positibong mga komentong natanggap mula sa mga netizens, mas lalo raw umano siyang ginanahan na ipagpatuloy ang dedikasyon siya sa kanyang sinumpaang tungkulin.

African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, dinagsa ng tulong

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang buwan na ang nakararaan mula nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan.

Sa panahon ng pandemya, iba't ibang learning modalities ang maaring gamitin maipagpatuloy lamang ang edukasyon.

Umaasa ang maraming mga mag-aaral na sa susunod na taon ay makababalik na sa dati ang lahat kung saan makakapasok na muli sila sa kanilang mga paaralan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel