Netizen, humanga sa kabaitan ng lolo na nagtitinda ng basahan na kanilang natulungan

Netizen, humanga sa kabaitan ng lolo na nagtitinda ng basahan na kanilang natulungan

- Isang lolo na naglalako ng basahan ang natulungan ng nagmalasakit niyang suki

- Bilang mayroon naman silang kainan, minsan niyang inalok ng maiinom ang lolo subalit nalaman nilang di pa ito kumakain

- Nang mabigyan nila ng pagkain, binibigay pa ng matanda ang kanyang nilalakong basahan kapalit ng pagkain ngunit tinanggihan daw ito ng may-ari para mabenta pa sana ng matanda at kumita

- Nais pa ng netizen na matulungan ang lolo dahil bukod sa masipag ito, mayroon din itong ginintuang puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Netizen, humanga sa kabaitan ng lolo na nagtitinda ng basahan na kanilang natulungan

Photo from Viehl Clang Caseñas' Facebook
Source: Facebook

Viral ang post ng isang netizen na nagawang tulungan ang matandang naglalako ng basahan sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na araw-araw na naglalako ng mga basahan ang matandang lalaki kaya naman kilala na siya ng kanyang mga suki.

Isa na rito si Viehl Clang Caseñas na may-ari ng isang kainan. Bumubili raw sila ng basahan sa lolo na nakikita niyang nagpupursigi sa paglalako mayroon lamang kitain.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Nang minsan napadaan daw ang matanda, inalok nila ito ng maiinom. Subalit doon nila nalaman na hindi pa rin pala ito kumakain.

Dahil sa sila naman ay suki na nito ng kanyang mga basahan, hindi sila nagdalawang isip na tulungan at pakainin ang matanda.

Laking gulat pa nila na pilit pa rin daw nitong ibinibigay ang basahang paninda kapalit ng pagkaing kanilang ibinigay.

Tinatanggihan man nila ito para sana maibenta pa rin ng matanda at pandagdag kita, mapilit daw talaga ito.

Doon, humanga pa sila sa kabutihan ng lolo at sinikap pa ring may maibigay sa taong tumulong sa kanya.

Kaya pakiusap ni Viehl na sana ay matulungan pa ang matanda dahil ang mga ganitong klaseng tao ang nararapat tulungan dahil bukod sa kasipagan ay mayroon din silang ginintuang puso.

Maging ang iba pang mga netizens ay naantig ang puso sa kabutihang ipinamalas ng lolo gayundin sa taong tumulong at nagpakain sa kanya.

African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, dinagsa ng tulong

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Ito nga ang taong nararapat na tulungan, hindi nanghihingi, lumalaban hangga't kaya!"

"Good job po sa inyo, more blessing sa negosyo niyo lalo na at matulungin po kayo"

"Tunay na pinagpapala ang mga taong marunong na magbahagi ng biyaya. Mabuhay po kayo!"

"Sana tularan po kayo ng marami, mabuti po kayo pati rin si lolo na nagawa pang magbigay"

"Nakaka-inspire. God bless po kay lolo at sa tumulong sa kanya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, masasabi nating ang tanging magandang nagaganap ay ang pagtutulungan ng bawat isa.

Lumalabas ang ating pagmamalasakit sa mga taong mas higit na nangangailangan lalo na at marami ang labis na pinahirapan ng krisis na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel