Lalaking mas piniling gawin ang mga gawaing bahay kaysa mag-ML, hinangaan

Lalaking mas piniling gawin ang mga gawaing bahay kaysa mag-ML, hinangaan

- Nag-viral ang post ng isang netizen kung saan mas pinili pa umano nitong kumilos at tapusin ang mga gawaing bahay kaysa tumambay

- Ipinakita niya ang bawat sulok ng kanilang tahanan na malinis at maging ang mga labahan ay kanya ring natapos

- Mas gugustuhin pa raw niyang gawin ang mga ito kaysa maglaro ng Mobile Legends na madalas na laruin kahit ng mga mister na tulad niya

- Dahil dito, siguradong matutuwa pa raw ang uuwi sa kanilang tahanan dahil madadatnan itong malinis at maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Photo: Norvin Esplana's Facebook

Photo: Norvin Esplana's Facebook
Source: Facebook

Agaw-eksena sa social media ang post ng netizen na si Norvin Esplana kung saan ipinakita niya ang bawat sulok ng kanilang tahanan na kanyang nalinis at naayos.

Nalaman ng KAMI na lahat ng iyon ay nagawa ni Norvin at mas pinili raw niya itong gawin kaysa tumambay lamang sa kanilang bahay at maglaro ng "Mobile Legends."

African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, dinagsa ng tulong

Maayos ang higaan maging ang sala, hinugasan ang mga pinagkainan, malinis ang banyo at maging ang mga mga labahin ay naubos na rin.

Lahat daw iyon ay nagawa ni Norvin para rin masiyahan naman daw ang uuwi sa kanilang tahanan.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa kanya dahil bibihira na raw ang lalaking tutulong sa mga gawaing bahay.

Ang maganda pa sa ginawa ni Norvin, talagang nilahat na niya ang gawain.

May ilang netizens pa ang nagsabing masuwerte raw ang mapapangasawa nito dahil sa kasipagang kanyang ipinakita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakatuwa naman si kuya, bihira na po ang ganyan ngayon"
"Tama po yan, hindi yung puro cellphone at online games ang inaatupag ng mga lalaki"
"Sana makita ito ng ibang guys na puro asa lang sa girls ang mga chores. Pwede naman po talaga na tumulong sa mga gawain sa bahay"
Video ng mister na napaiyak dahil sa surpresa ng misis, nagpakilig sa netizens
"Very good ito sa nanay niya, sana tularan ka ng marami"
"Or pwede rin naman na after ng mga gawain, saka na lang maglaro"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang video ng isang mister na napaiyak sa sobrang saya sa regalong natanggap mula sa kanyang misis.

Matagal na raw kasi nitong inaasam na magkaroon ng mamahaling helmet na naibigay sa kanya ng misis bilang regalo sa kanilang pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo. Ayon sa misis, deserve naman daw ito ng kanyang mister na nagsisipag sa pagha-hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel